Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa

Love Like Jesus

ARAW 5 NG 13

Si Jesus Kahit Saan

Isang mainit na gabi ng tagsibol, ang aming pamilya ay nanood ng larong soccer sa unibersidad sa bayan namin. Ang anak na babae ko ay limang taong gulang, at pagdating namin doon, napansin niya ang isang batang lalaki na nag-iisa. Hindi niya ito kilala. Hindi siya makapagsalita ng Ingles at ibang-iba siya sa anak namin sa maraming bagay, ngunit hindi ito pumigil sa kanya upang bigyan ang batang lalaki ng isang ngiti at sumali sa laro nito. Ginugol nila ang gabi sa pagtatawanan at paglalarong magkasama, at nang matapos ang laro, naupo sila sa damuhang pagod ngunit masaya, habang nakasandal sa isa't-isa upang magpahinga.

Habang sila ay naglalaro, nakita namin ng aking asawa ang kanyang mga magulang at nagpakilala kami sa kanila. Doon nagsimula ang magandang pagkakaibigan namin sa pamilyang ito na nagmula sa ibang bansa, kultura at pananampalataya. Nagbigay ito sa amin ng pagkakataon upang anyayahan sila sa aming buhay, at ito ay nagkaroon ng malalim na epekto sa buhay namin. Ito ay isang natatanging pagkakataon para sa amin upang ibahagi ang pagmamahal ng Diyos sa isang praktikal at personal na pamamaraan, at nagpapatuloy itong nagiging mahalagang ugnayan para sa aming pamilya. Pinalawak kami nito, at binago kami nito tungo sa mas mabuti.

Nagsimula ang lahat ng ito dahil sa aming anak na babaeng nagmahal sa batang lalaking iyon ng tulad ng pagmamahal ni Jesus. Hindi Siya nagpapakita ng pagkampi. Tinatanggap Niya tayo bilang tayo, anuman ang pinagmulan natin, at nakikibahagi sa ating buhay kung papapasukin natin Siya rito.

Kailan ang huling pagkakataong sinadya mong abutin ang isang taong kakaiba sa iyo? Kung matagal-tagal na, hilingin mo sa Diyos na buksan ang iyong mga mata sa susunod na pagkakataon. At kapag ginawa Niya ito, maging handa sa pagtugon. Maaari itong makapagpabago ng iyong buhay.

Amanda Sims
Life.Church Church Online

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Love Like Jesus

Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church