Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa
Ang Layunin ng Sakit
Ilang taon na ang nakakaraan, natagpuan naming mag-asawa ang mga sarili naming nasa isang paglalakbay ng pagkasawi at sakit habang nagsisimula kami ng pagbubuo ng aming pamilya. Ang mga kaibigan namin ay nagsisimula na sa kanilang unang anak, at pagkatapos ay ang pangalawa ...at tinatanong pa rin namin sa Diyos kung bakit hindi kami magkaanak. Pagkatapos ng apat na taon, doon lang namin syempre nakita na ang aming paglalakbay sa pagkatuyo ay bahaging lahat ng isang mas malaking plano. Ito ay naging higit pa sa maaari naming isipin. Ngunit bago ang himala, paano kami nakaraos sa mga sakit? Sa pamamagitan ng aming LifeGroup.
Minahal nila kaming tulad ni Jesus at sinamahan kami sa pagbabata ng sakit at kabiguan sa bawat araw. Malinaw nilang ipinakita sa amin ang Mga Awit 34:18. Naranasan namin ang kaginhawaan ng Diyos sa bawat hakbang habang kumikilos ang Espiritu Santo sa aming LifeGroup.
Dahil sa kanilang suporta, ipinahayag namin sa marami ang aming paglalakbay at naipamahagi namin ang mensahe ng pag-asa ng Diyos sa iba pang mga mag-asawa na nag-aakalang nag-iisa sila sa kanilang pakikibaka. Ngunit hindi pa roon huminto ang Diyos. Pagkatapos ng apat na taong pagsubok na magkaroon ng anak, pag-iipon ng pera para sa vitro fertilization, pagiging legal na kahaliling mga magulang, at bago ibinukas ng Diyos ang pinto para sa bagong trabahong halos 16 na oras ang layo sa aming pamilya, sinagot ng Diyos ang aming panalangin.
Sa isang segundo, ang lahat ay nagbago. Buntis ang asawa ko! Ilang buwan pa ang lumipas, at ang aming malambing na sanggol na si Emma ay isinilang, at hulaan ninyo kung sino ang mga unang taong aming sinabihan? Ang aming LifeGroup. Sila ang nagdala ng pasanin at sakit noong hindi na namin kayang dalhin itong mag-isa, at sila ang nakipagdiwang sa amin nang lubusan!
Kaya anong kinakaharap mo ngayon? Kung nararamdaman mong nag-iisa ka, kailangang malaman mong napakalayo nito sa katotohanan dahil kasama natin si Cristo sa bawat hakbang at may dahilan Siya kung bakit inilalagay Niya ang mga tao sa ating buhay. Ang anumang sandali ng sakit na ating nararanasan, hindi tayo ang una at hindi rin tayo ang huli. Ngunit may Tagapagligtas tayong malapit sa ating mga puso sa pinakamadidilim na sandali. Dahil ang katotohanang ito ay nariyan upang mapanghawakan natin, maaaring tayo ang magturo sa mga tao patungo sa Kanya na higit pa sa pagkawasak ng kanilang mga puso, sa Kanya na bumubuhat sa kanila at binibigyan ng layunin ang kanilang mga kirot. Ang pangalan Niya ay Jesus.
Ang mga naranasan nating kirot ang ating patotoo. Ito ang ating kuwento ng katapatan ng Diyos. At sa pamamagitan ng mga kirot na ito, maaari tayong magtiwala sa Diyos dahil alam nating minamahal Niya tayo, na Siya ay kasama natin, at tunay ngang Siya ang ating kasapatan.
Jay Porter
Life.Church Keller
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.
More