Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa

Love Like Jesus

ARAW 3 NG 13

Ang Misyon ng Diyos

Ang Diyos ay nasa isang misyon. Sigurado ako rito. Kung paanong ang Diyos ay buhay, kasangkot, at gumagawa ilang libong taon na ayon sa nakatala sa Banal na Kasulatan ay ganoon pa rin Siya ngayon. Sa simula, nilalang Niya ang lahat sa isang balanseng kalagayan ng pagkakatugma, anyo, at kagandahan. subalit, ang pinakamataas sa Kanyang nilalang ay tinanggihan ang banal na pagkakalapit nila. Simula pa noon, hinihikayat na tayo ng Diyos pabalik sa Kanya. Ito ang pangunahing kuwento ng pag-ibig. Ang Diyos ay sumisisid sa nagyeyelong lawa kapag tayo ay nahuhulog dito. Tumatakbo Siya sa nagliliyab na gusali kapag tayo ay nakukulong sa loob. Tinutunaw Niya ang matigas na pader ng ating mga puso kapag inihihiwalay at pinatitibay natin ang mga sarili natin sa loob ng ating mga takot, pagkamuhi, kahihiyan, o kawalan ng tiwala sa sarili. Ngunit ang pinakamagandang parte ay, tinatawag Niya tayong sumama sa Kanyang misyon ng pag-asa.

Dati tayong kaaway ng Diyos, pinipili natin ang ilang mga huwad na diyus-diyosan. Ganoon na lamang ang pagmamahal Niya sa atin na ipinadala Niya at ibinigay ang Kanyang bugtong na Anak. Para sa atin. Ang Kanyang kaaway. Ito ang halimbawang ipinakita Niya sa atin. Ang ating pag-asa, at ang misyon kung saan tayo tinatawag na sumama ay ang mahalin ang ating kaaway. Iyan ang sukdulang pangangaral na maaari nating gawin. Ito ay higit pa sa mga salita at higit pa sa mga pagkilos. Ito ay isang uri ng pamumuhay na nakikisali sa misyon ng Diyos. Kapag nakikita ng mundo ang isang kilusan ng mga taong may sapat na pagpipigil sa sarili upang hindi gumanti, sapat na kahabagan upang makahanap ng pagkakaisa, at sapat na pagpapakumbaba upang mapagtanto ang kapangyarihan sa kahinaan, at kung magkagayon ang mundo ay magkakaroon ng kaalaman tungkol kay Cristo sa Kanyang tunay na anyo—ang krus.

Joey Armstrong
Life.Church Broken Arrow

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Love Like Jesus

Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang: www.life.church