Magmahal Tulad ni JesusHalimbawa
Magkasamang Pinatawad
Lumaki ako sa isang iglesia, ngunit sa totoo lang, nabuhay akong parang walang Diyos. Kapag may dumarating na mga pagkakataon upang magpakita ng pagmamahal sa kapwa sa paaralan o sa trabaho, wala akong ginagawa. Napakawalang kwenta ko. Makasarili at mapagmataas ako. Kung magbabalik-tanaw ako, ang malaking nakaimpluwensya sa akin ay mga negatibo: mga maling kaibigan, mga nakalalasong relasyon, seks, pornograpya, at alak. Napasama ako sa maling barkada, nagsinungaling sa aking mga magulang, nagsinungaling sa aking mga kaibigan, naglasing, naging mayabang. Noong ako ay nasa kalagitnaan ng aking pag-aaral sa kolehiyo, kung anu-anong masasamang bagay ang ginagawa ko na sumisira sa aking katawan at sa aking buhay.
Tumalon tayo sa mga unang buwan ng 2010 ilang linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Ang pamilya ko ay naanyayahang dumalo sa Life.Church. Noong panahong iyon, ilang taon na kaming hindi pumupunta sa iglesia. Dumalo kami at ipinaramdam nila ang pagsalubong at pagtanggap sa amin. Ito ay hindi ko pa naranasan kailanman sa pagpunta ko sa isang iglesia. Sa unang pagdalo naming iyon, napuspos ako ng pagmamahal at kapatawaran ng Diyos sa unang pagkakataon sa aking buhay. Ang mensahe ay nagsalita tungkol sa pagpapatawad, at naunawaan ko ang kasaysayan ni Jesus at ang Kanyang pag-ibig. Hindi ako naghintay. Nagpasya akong italaga ang buhay ko kay Jesus nang araw na iyon din. Naramdaman kong nilinis ako ng Diyos sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ko, at ako ay isang bagong tao na. Subalit, hindi lang iyan. Napagtanto kong kailangan ko ng tulong. Kailangan kong sumali sa isang LifeGroup, isang grupo ng mga taong namumuhay nang sama-sama. Nakahanap ako ng isang grupo ng mga kabataang babae at lalaki na nagkikita tuwing Martes, at nagsimula akong dumalo. Dito nagbago ang lahat.
Minahal ako ng mga kaibigan kong ito, tinanggap ako, at higit sa lahat, ipinakita nila sa akin kung paano ang mabuhay para kay Cristo. Hindi ko kailanman makakalimutan kung paano akong minahal ng grupong ito tulad ng kung paano ako minamahal ni Jesus. Pinapasok nila ako bilang ako, at tinulungan akong mapagtagumpayan ang aking nakaraan at yakapin ang bagong buhay na ibinigay ng Diyos sa akin. Naramdaman kong tanggap ako, at hindi ako hinatulan sa aking mga ginawa. Ipinakita nila sa aking ang pagmamahal at suportang kailangang-kailangan ko sa panahong iyon ng aking buhay. Ginamit ng Diyos ang maliit na grupong ito ng mga humigit-kumulang mga edad 20 upang hubugin ako sa kung ano ako ngayon. Tumalon tayo sa kasalukuyan, at ako nga ay kasama na sa kawani ng iglesia, sa pangkat ng maliliit na grupo, at nagkakaroon ako ng pagkakataong marinig ang mga kuwento ng mga buhay na nababago dahil sa pag-ibig ni Cristo. Maaaring baguhin ng Diyos ang iyong buhay, at madalas, gagawin Niya iyon sa pamamagitan ng mga tao sa paligid mo.
Spencer Aston
Life.Church Broken Arrow
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano tayo matututong mabuhay tulad ni Jesus kung hindi muna natin matututunang magmahal nang tulad Niya? Magbasa kasabay ang kawani ng Life.Church at kanilang mga asawa habang muli nilang isinasalaysay ang mga karanasan at ang Banal na Kasulatang nagbigay-inspirasyon sa kanila upang mabuhay nang ganap at Magmahal Tulad ni Jesus.
More