Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)Halimbawa

Battlefield of the Mind Devotional

ARAW 8 NG 14

Pagkamit ng Ating Gusto

Kadalasan alam ko kung ano ang gusto ko, at gusto kong makuha ito. Tulad din ako ng karamihan. Kapag hindi natin makuha ang ating gusto, naglalagablab ang ating mga negatibong damdamin.

Karaniwan na sa ating mga Cristiano ang umasang ang buhay ay magiging perpekto at walang gusot. Inaasahan natin ang tagumpay, kaligayahan, kagalakan, kapayapaan, at lahat ng mabubuting bagay. Kapag nahahadlangan tayo, tayo ay sumisimangot at nagrereklamo.

Bagama't nais ng Diyos na magkaroon tayo ng magandang buhay, may mga pagkakataon na kailangan nating magtiis at magtiyaga kapag hindi nasusunod ang ating mga plano. Ang mga kabiguang ito ang sumusubok sa ating pagkatao at antas ng espirituwal na pagkahinog. Ipinapakita ng mga ito kung handa na tayo para sa sunod na baitang.

Bakit ba natin iniisip na dapat tayo laging mauna? Bakit natin iniisip na karapat-dapat tayong magkaroon ng perpektong buhay? Marahil minsan ay pinahahalagahan natin ang ating sarili nang higit sa nararapat. Ang mapagkumbabang isipan ay magbibigay sa atin ng kakayahan na ibaba ang sarili at hintayin ang Diyos na magtaas sa atin. Sinasabi sa Salita ng Diyos na sa pamamagitan ng pagtitiis at pananalig matatanggap ang mga ipinangako Niya. Ang paniniwala na mabuti ang Diyos ay mainam, ngunit kaya ba nating patuloy na magtiwala sa Kanya kahit na sa pakiramdam natin hindi patas ang buhay?

Ang sekreto ng buhay Cristiano ay ang ganap na pagtatalaga ng ating mga sarili sa Diyos. Kapag isinuko natin ang ating mga kalooban sa Diyos, hindi natin ikagagalit ang mga pangyayari. Hindi man ibigay ng Diyos sa atin ang ating gusto, ang ating pananalig ay matibay at masasabi natin ang, "Ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban Mo."

Manalangin: O Diyos, tulungan po Ninyo ako. Madalas na mayroon akong masisidhing mga pagnanais, at kapag hindi ko nakukuha ang mga ito, sumasama ang loob ko. Patawarin po Ninyo ako. Ipaalala po Ninyo sa akin na hindi ginusto ni Jesus ang mamatay sa krus, ngunit namuhay Siya nang may ganap na pagsunod sa Inyong kalooban. Hinihiling ko po sa Inyo, sa ngalan ni Jesu-Cristo, na tulungan po Ninyo akong magpasakop nang ganap at masiyahan sa anumang ibinibigay Ninyo sa akin. Amen.

Mula sa aklat na "Battlefield of the Mind Devotional" ni Joyce Meyer. Copyright © 2005 ni Joyce Meyer. Inilathlaa ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Battlefield of the Mind Devotional

May mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Kapag nagsimula na ang kaguluhan sa iyong isipan, gagamitin ng kaaway ang lahat ng sandatang nasa kanya upang pahinain ang iyong ugnayan sa Diyos. Ngunit hindi mo kailangang maging biktima niya. Ang debosyonal na ito ay mabibigay sa iyo ng mga inspirasyong puno ng pag-asa na tutulong na mapagtagumpayan mo ang galit, pagkalito, paghatol, takot, pag-aalinlangan…at iba pa. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa iyo na maisiwalat ang balak ng kaaway na ikaw ay lituhin at linlangin, harapin ang mga mapaminsalang pag-iisip, magtagumpay sa pagbabago ng iyong kaisipan, magkaroon ng kalakasan, pag-asa, at pinakamahalaga, magtagumpay sa bawat digmaan na nasa iyong isipan. Ikaw ay may kapangyarihang lumaban at ito ay mahalagang magawa mo… kahit na paunti-unti araw-araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Joyce Meyer Ministries sa pagbabahagi ng debosyonal na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: www.joycemeyer.org