Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)Halimbawa

Battlefield of the Mind Devotional

ARAW 12 NG 14

D.V.

Sinabi niya sa akin na siya at ang kanyang asawa ay mga misyonaryo sa Chad, Africa, at sinabi pa niya, "Plano naming bumalik sa Enero, D.V."

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng D.V., pero hindi ako nagsalita.

Habang isinasalaysay niya ang kanyang programa sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa loob ng bansa, lagi niyang binibigkas ang "D.V."

Sa huli, tinanong ko siya, "Ano ang ibig sabihin ng D.V.?"

"Ito ay Latin na aking natutunan sa eskuwelahan, at ang kahulugan nito'y lubos na mahalaga sa akin," sabi niya. "Ito ay maigsi para sa 'Deo volente,' na ang kahulugan ay 'kung kalooban ng Diyos.'"

Habang kami ay nag-uusap, napagtanto ko kung gaano kahalaga sa kanya ang D.V. Sinabi niya na marami siyang magagandang ideya't mithiin para sa Chad, ngunit higit pa roon, nais niyang makatiyak na ang ma ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos. "Kapag sinasabi ko ang D.V., isa itong paalala sa akin--ito ang aking paraan ng pagsasabing, 'Ito ang nais ko. Ayos lang po ba ito sa Inyo, Panginoon?'"

Maraming tao diyan ang mayabang--magpapasiya sila at saka aasa na ang lahat ay mangyayari ayon sa kanilang ninanais. Ito ay maaaring isang panlilinlang ni Satanas. Kung makukuha niyang ituon sila sa bukas o sa sunod na taon, hindi nila kakailanganing harapin ang mga kasalukuyang suliranin nila sa buhay. Makukuha nilang mamuhay sa mundo na sa hinaharap pa darating na pawang mabubuti lamang ang mangyayari. Hindi ba ito parang pagmamaneho ng kotse at hindi pagpansin sa kung anumang nariyan na sa harapan mo dahil nakatuon tayo sa traffic signal na limang kanto pa ang layo? Inilalagay natin ang ating mga sarili sa panganib.

Ipinangako sa atin ni Jesus ang isang masaganang buhay (tingnan ang Juan 10:10). Ngunit hindi natin makakamit ang kasaganaang iyon kung hindi natin ibibigay nang lahat-lahat ang ating mga buhay sa Kanya. Huwag mong igugol ang kasalukuyan sa pagpaplano ng kinabukasan at pag-iwas sa mga bagay na dapat mong harapin ngayon.

Manalangin: Aking Ama sa langit, tulungan po Ninyo akong mamuhay sa kasalukuyan. Bigkasin ko man o hindi ang D.V., ipaalala po Ninyo sa akin na ang Inyong kalooban ay higit na mahalaga kaysa anumang bagay sa aking buhay. Tulungan po Ninyo akong salagin ang gawain ni Satanas na labis akong pag-isipin tungkol sa kinabukasan na mabibigo naman akong mamuhay sa kasalukuyan sa paraang nakalulugod sa Inyo. Hinihiling ko po ito sa pangalan ni Jesus. Amen.

Mula sa aklat na "Battlefield of the Mind Devotional" ni Joyce Meyer. Copyright © 2005 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Battlefield of the Mind Devotional

May mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Kapag nagsimula na ang kaguluhan sa iyong isipan, gagamitin ng kaaway ang lahat ng sandatang nasa kanya upang pahinain ang iyong ugnayan sa Diyos. Ngunit hindi mo kailangang maging biktima niya. Ang debosyonal na ito ay mabibigay sa iyo ng mga inspirasyong puno ng pag-asa na tutulong na mapagtagumpayan mo ang galit, pagkalito, paghatol, takot, pag-aalinlangan…at iba pa. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa iyo na maisiwalat ang balak ng kaaway na ikaw ay lituhin at linlangin, harapin ang mga mapaminsalang pag-iisip, magtagumpay sa pagbabago ng iyong kaisipan, magkaroon ng kalakasan, pag-asa, at pinakamahalaga, magtagumpay sa bawat digmaan na nasa iyong isipan. Ikaw ay may kapangyarihang lumaban at ito ay mahalagang magawa mo… kahit na paunti-unti araw-araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Joyce Meyer Ministries sa pagbabahagi ng debosyonal na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: www.joycemeyer.org