Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)Halimbawa

Battlefield of the Mind Devotional

ARAW 11 NG 14

Pagdaig sa Kawalan ng Pananampalataya

Minsan ay 'di-sinasadyang nakapagbibigay tayo ng maling ideya tungkol sa pakikipaglabang espirituwal. Alam natin na ang ating kalaban ay ang diyablo at kailangan nating makipaglaban araw-araw upang magwagi, ngunit hindi ito ang lahat. Kung ang buhay Cristiano ay puro nalang giyera, nakapanghihina naman ng loob ang makipaglaban bawat oras ng bawat araw.

Ang buhay Cristiano ay puspos ng kagalakan at kapayapaan. Binibigyan tayo ng Diyos ng masaganang kasiyahan at payapa tayo sapagkat alam nating nabibigyan natin Siya ng karangalan sa ating pamumuhay.

Sa sipi ngayong araw mula sa Banal na Kasulatan, sumulat si Pedro sa mga Cristiano tungkol sa kanilang kaaway--binabalaan sila at hinihimok na maging mapagbantay, at ito ang madalas nating binibigyang-diin. Ngunit bago niya isinulat iyon, sinabi niyang, "Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo." (b. 7). Kailangan nating paalalahanan ang ating mga sarili ng pag-ibig ng Diyos para sa atin.

Sinusubukang sirain ni Satanas ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga kasinungalingan tulad ng: "Kung tunay na nagmamalasakit ang Diyos sa iyo, bakit ka Niya hinahayaang makaranas ng ganitong pagsubok?" "Kung tunay na mahal ka ng Diyos, gagawin ba Niya ito sa iyo?" Kung mapapaisip ka niya na hindi ka mahal ng Diyos o hindi Niya alam ang makabubuti para sa iyo, kayang-kaya ka niyang tamnan ng mga binhi ng pag-aalinlangan.

Kapag dumarating ang mga hamon, pagsubok at kahirapan sa iyong buhay--at palagi naman itong nangyayari--mayroon kang kalayaang pumili. Maaari mong sundin ang mga salita ni Pedro at ibigay sa Diyos ang iyong mga alalahanin sa buhay. Gaano man kadilim ang gabi o kalagim ang pangyayari, kailangan mong ipaalala sa iyong sarili na hindi mo lamang kasama ang Diyos sa mga pagkakataong iyon, kundi Siya rin ay nagmamahal sa iyo at tutugon sa iyong pangangailangan.

Manalangin: Aking Ama sa langit, madalas na sinusubukan ng kaaway na punuin ako ng pag-aalinlangan at sulsulan na ikaila ang Inyong makapangyarihang pag-ibig para sa akin. Ngunit tulad ni Abraham, naninindigan ako sa Inyong mga pangako. Maraming salamat po sa kasiguruhang palagi ko Kayong kasama. Amen.

Mula sa aklat na "Battlefield of the Mind Devotional" ni Joyce Meyer. Copyright © 2005 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Battlefield of the Mind Devotional

May mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Kapag nagsimula na ang kaguluhan sa iyong isipan, gagamitin ng kaaway ang lahat ng sandatang nasa kanya upang pahinain ang iyong ugnayan sa Diyos. Ngunit hindi mo kailangang maging biktima niya. Ang debosyonal na ito ay mabibigay sa iyo ng mga inspirasyong puno ng pag-asa na tutulong na mapagtagumpayan mo ang galit, pagkalito, paghatol, takot, pag-aalinlangan…at iba pa. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa iyo na maisiwalat ang balak ng kaaway na ikaw ay lituhin at linlangin, harapin ang mga mapaminsalang pag-iisip, magtagumpay sa pagbabago ng iyong kaisipan, magkaroon ng kalakasan, pag-asa, at pinakamahalaga, magtagumpay sa bawat digmaan na nasa iyong isipan. Ikaw ay may kapangyarihang lumaban at ito ay mahalagang magawa mo… kahit na paunti-unti araw-araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Joyce Meyer Ministries sa pagbabahagi ng debosyonal na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: www.joycemeyer.org