Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)Halimbawa

Battlefield of the Mind Devotional

ARAW 6 NG 14

Una ay ang Pagdurusa

"Bakit kailangan nating magdusa?" "Kung talagang mahal tayo ng Diyos, bakit nangyayari ang masasamang bagay sa sa atin?" Madalas akong makarinig ng ganitong mga tanong. Maraming mga tao ang matagal nang nakikipagbuno sa mga tanong na ito, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natutuklasan ang mga kasagutan. Ako man ay hindi sumusubok na sagutin ang mga ito. Ngunit may isa akong komento: "Kung bibiyayaan lamang tayo ng Diyos matapos tayong manampalataya--kung tatanggalin Niya ang lahat ng pagdurusa, paghihirap, at kaguluhan para sa mga Cristiano---hindi ba't ito'y magiging suhol na lamang upang manampalataya ang mga tao?

Hindi ganyan kumilos ang Diyos. Nais ng Panginoon na lumapit tayo sa Kanya dahil sa pag-ibig at dahil alam nating nangangailangan tayo--lubha tayong nangangailangan at Siya lamang ang makatutugon sa mga pangangailangan natin.

Ang katotohanan ay mula nang tayo'y isilang hanggang sa umuwi na tayo kay Jesus, may mga panahon na tayo ay magdurusa. May mga mas mahirap ang daranasin, ngunit ang pagdurusa ay pagdurusa pa rin.

Naisip ko rin na kapag nakikita tayo ng iba na bumabaling sa Diyos sa mga oras ng paghihirap at nakikita nilang nagtatagumpay tayo, nagiging magandang patunay ito sa kanila. Maaaring ang patunay na ito ay hindi palaging humantong sa kanilang pagbaling kay Cristo, ngunit ipinakikita pa rin nito ang presensiya ng Diyos sa ating buhay at magbibigay ng kamalayan ng kawalan sa buhay nila.

Noong isang araw ay may bago akong naisip: Ang pagdurusa ay nauuwi sa pasasalamat. Kapag ang buhay natin ay nagiging magulo at hindi na natin alam ang gagawin, humihingi tayo ng tulong sa Panginoon at dinidinig Niya ang ating mga dasal at pinalalaya tayo. Kinakausap tayo at inaaliw ng Diyos. At ang bunga nito ay ang ating pasasalamat.

Sinasalakay ng diyablo ang ating isipan sa panahon na pagitan ng pagdurusa at pasasalamat. Maaaring simulan niya ito sa pagsasabi ng, "Kung talagang mahal ka ng Diyos, hindi mo daranasin ito." Ang katotohanan ay magkakaroon tayo ng mga suliranin, mananampalataya man tayo o hindi. Ngunit bilang mga mananampalataya, daranas din tayo ng mga tagumpay. Bilang mga mananampalataya kay Cristo, maaari tayong magkaroon ng kapayapaan sa gitna ng bagyo. May kagalakan pa rin tayo sa buhay sa gitna ng pagdurusa dahil tunay tayong naniniwala na kumikilos ang Diyos para sa atin upang makalaya tayo mula rito.

Manalangin: Aking Panginoon at Diyos, patawarin po Ninyo ako sa palagi kong paghangad ng madaling buhay. Inaamin ko po na hindi ko nais ang magdusa, at ayaw ko rin po kapag may nangyayaring hindi maganda. Ngunit hinihiling ko po na tulungan Ninyo ako na magkaroon ng magandang saloobin at magtiwala sa Inyong may mabuting ibubunga ito. Idinadalangin ko po ito sa pangalan ni Jesus. Amen.

Mula sa aklat na "Battlefield of the Mind Devotional" ni Joyce Meyer. Copyright © 2005 ni Joyce Meyer. Inilathala ng FaithWords. All rights reserved.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Battlefield of the Mind Devotional

May mga bagay na dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Kapag nagsimula na ang kaguluhan sa iyong isipan, gagamitin ng kaaway ang lahat ng sandatang nasa kanya upang pahinain ang iyong ugnayan sa Diyos. Ngunit hindi mo kailangang maging biktima niya. Ang debosyonal na ito ay mabibigay sa iyo ng mga inspirasyong puno ng pag-asa na tutulong na mapagtagumpayan mo ang galit, pagkalito, paghatol, takot, pag-aalinlangan…at iba pa. Ang mga kaalamang ito ay makatutulong sa iyo na maisiwalat ang balak ng kaaway na ikaw ay lituhin at linlangin, harapin ang mga mapaminsalang pag-iisip, magtagumpay sa pagbabago ng iyong kaisipan, magkaroon ng kalakasan, pag-asa, at pinakamahalaga, magtagumpay sa bawat digmaan na nasa iyong isipan. Ikaw ay may kapangyarihang lumaban at ito ay mahalagang magawa mo… kahit na paunti-unti araw-araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Joyce Meyer Ministries sa pagbabahagi ng debosyonal na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: www.joycemeyer.org