Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

ARAW 12 NG 12

Siya Mismo ang Ating Kapayapaan

Ni Sabrina

KUWENTO
Isang buwan bago mag-Pasko, tinipon ng aking ina kaming magkakapatid upang magplano para sa aming Bisperas ng Pasko. Ang aking mga magulang ay nais palaging may mga inaanyayahang kaibigan, kaya ang aming bahay ay palaging puno. Bawat taon, pinapayagan kami ng aking mga magulang na mag-anyaya ng isang pamilya upang maghapunang kasama namin sa Bisperas ng Pasko. Natatandaan ko noong isang taong ang aking mga kapatid ay nagnais na anyayahan ang isang pamilya na may anak na hindi ko kaibigan. Siya ay mas magaling sa akin sa isports, mas matataas ang kanyang marka, mas marami siyang kaibigan kaysa sa akin, hindi niya ako inanyayahan sa kanyang kaarawan. . . talagang hindi ko siya kaibigan. Basta. Ngunit kailangan kong tanggapin at maglaan ng ilang oras sa kanya sa Bisperas ng Pasko. Tutal, Pasko naman at lahat ay nagkakasiyahan. Hulaan ninyo? Ito ang pinakamagandang Bisperas ng Pasko sa lahat at ako ay nagkaroon ng bagong matalik na kaibigan!

BANAL NA KASULATAN
Basahin ang Mga Taga-Efeso 2.

ISIPIN
Sa Mga Taga-Efeso 2, sinabi ni Pablo na sa pamamagitan ni Jesus, maaari tayong maging mga kaibigan ng Diyos at hindi mga kaaway. Ang kasalanan, na ginagawa nating lahat, ay ginagawa tayong mga kaaway ng Diyos. Dahil sa ating mga pagkakamali, hindi tayo makalapit sa presensya ng isang perpektong Diyos. Dahil sa ating kasalanan, karapat-dapat tayo sa katarungan ng Diyos; tayo ay nagkasala. Ngunit lubos tayong mahal ng Diyos, Siya ay nagagalak sa pagpapatawad. 

Mahal tayo ng Diyos at ipinadala ang Kanyang Anak na si Jesus upang mamatay sa krus para sa mga hindi kasama sa Kaharian: ikaw, ako, ang iyong kaibigan, ang aking kaaway, lahat tayo. Kahit na tayo ay hiwalay sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan, ibinalik tayo ni Jesus sa Kanya at ngayon tayo ay makakapamuhay nang may kapayapaan kasama ng Diyos, ng iba, at ng ating sarili! Ang sinuman na magpasiya na sumunod kay Jesus ay kaibigan ng Diyos at anak ng Diyos at makakaranas ng kapangyarihan at kapayapaan ng Diyos sa ating buhay. Kay Jesu-Cristo, walang mga kaaway. 

GAWIN
Ngayon, isipin ang iyong buhay. Ikaw ba ay mas magaling kaysa sa iba? Ikaw ba ay kaibigan o kaaway ng Diyos? Kung nais mong maging kaibigan ng Diyos magpakailanman at maranasan ang kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay, hilingin sa iyong mga magulang na manalanging kasama mo upang anyayahan si Jesus sa iyong puso.  

MANALANGIN
O Diyos, salamat sa pagbabalik mo sa amin sa Iyo. Salamat sa pagkamatay sa krus para sa aking mga kasalanan upang ako ay maging Iyong kaibigan magpakailanman. Amen.

 

Inaasahan namin na nagustuhan ninyo itong 12-araw na paglalakbay kasama namin. Maligayang Pasko!

Banal na Kasulatan

Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org/Bible-Plans