Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

ARAW 7 NG 12

Kapayapaan: Ang Lunas sa Takot

Ni Nick K.

KUWENTO
Isang beses, ang aking pamilya at ako ay nanonood sa ilang mga leon sa zoo. Ang isa sa mga bata sa aming grupo ay tumatakbo nang pabalik-balik sa harapan ng kulungan ng leon, na talagang matataas na kulungan na nakasandal papaloob sa itaas upang huwag makatalon ang mga leon sa ibabaw nito.

Habang ang bata ay tumatakbo, ang isa sa mga leon ay nagsimulang sumunod sa kanya. Sa una, nakakatuwang panoorin na ang malaking leon na ito ay sumusunod sa bata nang pabalik-balik, ngunit habang ang bata ay patuloy na tumatakbo hindi na ako mapakali. Iyon ay dahil ang leon ay isang napakalaki at mapanganib na nilalang. Ang tingin sa mga mata ng leon ay nagpapakita kung gaano kakaibang basahin ang tungkol sa isang bagay na lubhang makapangyarihan kumpara sa mismong nasa iyong harapan ito at kung paano nababago nito ang paraan ng pagtingin mo sa mundo.

KASULATAN
Basahin ang Lucas 1:28–30.

ISIPIN
Bakit takot na takot si Maria? Ang mga anghel at leon ay parehong makapangyarihan, na nagbibigay sa atin ng takot sa iba't ibang kaparaanan. Ang Biblia ay puno ng kuwento ng mga tao na nakakaharap ang mga angehl at nakikita ang lahat ng uri ng espirituwal na nilalang. Madalas, sila ay sumasamba o nagpapatirapa sa lupa dala ng takot.  

Maging sa mga pagkakataon kung saan ang Diyos mismo ang nagpapakita (natatakpan ng ulap o apoy), ito ay maaaring magmukha at magtunog na tunay na nakakatakot. Nang iniligtas ng Diyos ang bayan ng Israel mula sa Egipto, iniharap Niya ang Kanyang sarili sa ganitong paraan. Ang mga tao ay takot na takot na nagmakaawa sila kay Moses na kausapin ang Diyos para sa kanila.

Ang mabuting balita para sa atin ay katulad ng sinabi ng anghel kay Maria, nasa atin ang biyaya ng Diyos, ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang pagmamahal. Dahil kay Jesus, maaari tayong tumayo sa mismong presensya ng Diyos at makita Siya bilang Siya! Maaari tayong magkaroon ng kapayapaan sa Kanyang presensya.

GAWIN
Ang Diyos ay nasa paligid mo kahit na hindi mo Siya nararamdaman. Maglaan ng ilang oras ngayon upang umupo at manalangin nang tahimik. 

PANALANGIN
Mahal na Diyos, salamat sa kapayapaang dala-dala Mo sa pamamagitan ni Jesus. Maaari akong maging kasama Mo nang walang takot dahil ako ay pag-aari Niya. Tulungan Mo akong tandaan na Ikaw ay laging malapit sa akin. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org/Bible-Plans