Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa
Ang Plano ng Diyos para sa Kapayapaan
ni: Nick W.
KUWENTO
Nang pinakaunang beses na nagluto ako ng cookies para sa Pasko, para itong bomba na sumabog. Ang harina ay nakakalatkahit saan. Kung nasubukan mo nang magluto ng mga cupcake o cookie, alam mo na hanggang hindi pa ito lumalabas sa hurno , ito ay karaniwang hindi nagmumukhang katakam-takam. Hinahalo mo ang puting pulbos sa hilaw na mga itlog at siguro ay nilalagyan din ng kaunting tsokolate. . . ang sarap. Ngunit kapag inilabas mo na ito sa hurno, tila amoy langit at masarap tingnan!
BANAL NA KASULATAN
Basahin Genesis 22.
MAG-ISIP
Wow! Bakit uutusan ng Diyos si Abraham na patayin ang sarili niyang anak bilang pag-aalay? Nakakabaliw iyon! Ngunit alam ni Abraham na ang Diyos ay isang mabait at mapagmahal na Diyos na hindi hahayaang gawin niya ito. May pananalig siya na siya at ang kanyang anak ay makakabalik pababa mula sa bundok. At nangyari nga ito! At gaya ng sabi ni Abraham, nagbigay ang DIyos ng tupa para sa sakripisyo.
May nakikilala ka pa bang iba sa Biblia na nag-alay ng kanyang Anak bilang isang sakripisyo? Ang Diyos! Ang kuwento ni Abraham at Isaac ay nagpapaisip sa atin tungkol kay Jesus bilang ang Anak na namatay para sa ating mga kasalanan. Ito ay nilalayong ituro tayo patungo kay Jesus habang isinisiwalat ng Diyos ang Kanyang plano para sa kapayapaan libo-libong taon bago ipinanganak si Jesus!
Tuwing nagbabasa tayo ng Biblia nakikita natin ang lahat ng uri ng kabaliwan na nangyayari, tulad nito! Sa ating mga buhay ngayon, minsan parang walang saysay ang mga nangyayari. Tayo ay nag-aalala, umiiyak, natatakot, o nagkakasakit, o nalilito.
Gayunpaman, ipinapakita ng Diyos sa atin sa Biblia na mayroon Siyang perpektong plano para sa kapayapaan, kahit na parang magulo ang lahat. Tulad ng mga cookies na tila nakakadiri tingnan hanggang hindi pa lumalabas sa hurno. May plano ang Diyos na ipadala ang Kanyang anak, si Jesus, para mamatay dahil sa ating mga nagawang mali upang hindi na kailangang tayo ang mamatay . Ikaw at ako ay mapapatawad ng Diyos, dahil binayaran ni Jesus ang kapalit ng ating kasalanan: kamatayan. Ang buhay kasama ang Diyos aykapayapaan,at makakamit natin ito sa pamamagitan ni Jesus!
KUMILOS
Ngayon, magsulat ng isang nagawang bagay na mali o naging masuwayin ka sa nakaraang linggo. Pagkatapos, manalangin kasama ang iyong nanay o tatay at pasalamatan ang Diyos sa pagbibigay sa iyo ng kapayapaan dahil kay Jesus.
MANALANGIN
Mahal kong Diyos, salamat sa kapayapaang Iyong dala sa pamamagitan ni Jesus. Salamat na kahit na ako ay nagkasala, pinapatawad Mo ako at naghahatid Ka ng kapayapaan sa mundo. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!
More