Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa
Ang Tahanan ng Kapayapaan
Ni Nick K.
KUWENTO
Napansin mo ba na kung paanong pag nasa bahay ay iba ang pakiramdam kaysa kung nasaan man? Dapat makaramdam ng pagiging ligtas sa tahanan na hindi mararamdaman sa ibang lugar. Kung malamig sa labas, ang tahanan ay dapat na mainit. Kung ikaw ay nagugutom, ang pagkain ay nararapat na naghihintay sa tahanan. Kung may problema sa labas, ang tahanan ay dapat na maging lugar na maaari kang makatakas. . . maliban kung ang tahanan ay wasak.
Alam nating lahat kung ano ang hitsura kung ang mga bagay-bagay ay hindi maayos sa tahanan. Ngunit kahit ang mga bagay ay hindi perpekto, mayroon pa rin tayong pangako kung ano ang nararapat sa tahanan.
BANAL NA KASULATAN
Basahin 2 Samuel 7:11–14.
ISIPIN
Kapansin-pansing talata ito sa Banal na Kasulatan pagdating sa kapayapaan! Sa isang banda, kahanga-hanga ito. Ipinapangako ng Diyos kay David ang isang angkan na magkakaroon ng pagpapala ng Diyos magpakailanman. Naiisip mo ba ang isang bansa na kung saan mayroong kapayapaan para sa lahat? Magandang pakinggan!
Nabasa mo ba ang huling bahagi? Habang ang hari ay sumusunod sa Diyos, ang mga bagay ay magiging mabuti; ngunit kung itatakwil niya ang paraan ng Diyos siya ay nakalaan sa ilang kaparusahan. SPOILER ALERT: Ang anak ni David ay hindi nagawang sundin ang paraan ng Diyos na kinakailangan niyang sundin, at ang angkan ni David ay tila masisira.
Iyan ba ay nangangahulugan na ang mga pangako ng Diyos na magtatag ng isang kaharian ng kapayapaan magpakailanman ay tapos na? Hindi! Lumalabas na ang pangakong ito ay hindi lamang tungkol sa anak ni David (Solomon) kundi tungkol sa isang Anak na darating makalipas ang daan-daang taon. Si Jesus ang hari sa angkan ni David naAnak ng Diyos. Kung ang mga bansa at mga hari ay hindi magtagumpay, dala ni Jesus ang walang hanggang kapayapaan na hinihintay natin.
Natatandaan mo ba ang sinabi ko tungkol sa tahanan? Gusto nating lahat ang pakiramdam ng tahanan kung ito ay maayos. Ito ay kapayapaan. Ang pamilya ni David ay hindi magagawang magkaroon ng kapayapaan sa kanilang panahon, katulad din ng ating mga tahanan na hindi palaging magiging maayos sa atin. Ngunit inilagay Niya ang kaisipan ng kapayapaan at tahanan sa ating mga puso dahil balang araw si Jesus ay magiging mabuti sa pangakong iyon na ibinigay ng Diyos na matagal nang panahon.
GAWIN
Maaari kang maging kapayapaan para sa isang tao ngayon! Lumabas kasama ang isang miyembro ng iyong pamilya at maglaro, pagkatapos ay umuwi at magbasa ng isang bagay nang magkasama.
MANALANGIN
Mahal na Diyos, salamat sa Iyong kapayapaan na dala-dala Mo sa pamamagitan ni Jesus. Tulungan Mo akong madama ng iba ang kapayapaan na ibinigay Mo sa akin. Tulungan Mo akong maramdaman ng iba na maging parang nasa kanilang tahanan! Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!
More