Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa
Ang Prinsipe ng Kapayapaan
Ni Nick W.
KUWENTO
Bilang isang bata, ako ay natakot na maiwan nang mag-isa sa bahay. Isang beses, ang aking mga magulang ay nagpunta sa isang Christmas party at ako ay takot na nasa bahay na wala sila kaya tinawagan ko sila at sinabi na umuwi nang maaga, kahit na ayaw ng aking kapatid na gawin ko ito. Nang sila ay dumating sa bahay, kahit na hindi sila masyadong masaya, hindi na ako nakadama ng takot.
Naranasan mo na bang mag-isa sa bahay o sa iyong silid sa gabi at natakot talaga? Takot na takot kaya sumigaw para puntahan ng iyong ina at ama? Ang mag-isa o nasa dilim ay sobrang nakakatakot, ngunit kapag dumating na ang ina o ama sa silid mabuti na ang iyong pakiramdam.
BANAL NA KASULATAN
Basahin Isaias 9:6.
ISIPIN
Sa talatang ito sa Biblia, si propeta Isaias ay nagsasabi sa Israel tungkol sa isang Hari na paparito sa mundo, at ang isa Niyang titulo ay, "Prinsipe ng Kapayapaan." Tinutukoy ni Isaias ang tungkol kay Jesus!
Si Jesus ay Prinsipe ng Kapayapaan dahil sa Kanyang kaharian ay nagdadala Siya ng kapayapaan sa lahat na nilikha! Ngunit sandali. . . paano ang mga bagay ngayon na hindi mapayapa? Magandang tanong! Maliban na lang na bumalik si Jesus sa mundo ay magiging ganap na mapayapa ang lahat. Ngunit hanggang hindi pa, sinabi ni Jesus na magkakaroon tayo ng ugnayan sa Kanya at magkakaroon ng kapayapaan kahit na ang mga bagay na nangyayari ay hindi mapayapa. Nang tinanggap natin si Jesus sa ating puso, ang Kanyang Espiritu ay nanirahan sa atin, sa loob ng ating puso. Natatandaan mo ba kung paano nating pinag-usapan na noong ang ina at ama ay pumunta sa ating silid, mas naging mabuti ang ating pakiramdam, may kapayapaan, at hindi na natatakot? Dahil si Jesus ay nabubuhay sa ating puso, Siya ay laging kasama natin, nakikipag-usap sa atin, umaaliw sa atin, nagtuturo sa atin, at nagbibigay sa ating ng Kanyang kapayapaan.
Ang mundo na walang isang tagapagligtas ay waring walang kapayapaan para sa Israel, subalit nangako ang Diyos na ipadadala ang Kanyang Anak bilang Prinsipe ng Kapayapaan upang sila ay magkaroon ng kapayapaan kasama ang Diyos at ang isa't isa. Si Jesus ang ating kapayapaan! Ang Pasko ay isang magandang pagkakataon upang alalahanin at ipagdiwang iyon.
GAWIN
Sa papel o sa app ng iyong telepono, gumuhit kung ano sa palagay mo ang hitsura ng Prinsipe ng Kapayapaan.
MANALANGIN
Mahal na Diyos, salamat sa pagpapadala kay Jesus bilang Prinsipe ng Kapayapaan. Ako ay nagagalak na ipinangako Mo na magkakaroon kami ng kapayapaan anuman ang mangyari dahil kay Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!
More