Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa
Immanuel: Ang Diyos ng Kapayapaan na Kasama Natin
Ni Sabrina
KUWENTO
Ako ay maraming masasayang alaala kung ano ang hitsura ng mga gabi ng Kapaskuhan noong ako ay bata pa. Ang aming pinakamagandang kagalakan ay hindi ang makatanggap ng regalong pamasko, kundi ang sikaping malaman kung sino ang makakatanggap ng mga regalo. Natatandaan ko isang taon, inilagay ng aking ama ang lahat ng regalo sa bubong at noong siya ay pumunta upang kunin ang mga ito, hulaan ninyo kung ano ang nangyari? Syempre, nahulog siya sa bubong! Noong isa pang taon, iniwan niya ang mga regalo sa pool at nang kunin niya ang mga regalo, hulaan ninyo kung ano ang nangyari? Syempre, nahulog siya sa pool!
Ano ang iyong paboritong mga alaala ng Kapaskuhan?
BANAL NA KASULATAN
Basahin ang Mateo 1:18–24.
ISIPIN
Wow, ito ang kuwento ng Pasko, ang kapanganakan ni Jesus! Sinasabi ni Mateo ang tungkol sa unang Pasko ni Jesus, kung paanong pinangalagaan ng Diyos sina Jose at Maria at maging kung ano ang Kanyang magiging pangalan. Hindi ba't kamangha-mangha ito? At kahit ngayon, mahigit 2,000 taon na ang nakararaan, minsan sa isang taong tayo ay maaaring tumigil, mag-isip, alalahanin, at muling ibahagi ang kuwento ng Pasko.
Isipin na tinatanong mo si Jesus kung ano ang kahulugan ng Pasko. Maaring sagutin ka Niya na ang Pasko ay nasa Kanyang pangalan: Ang Diyos ay narito, ang Diyos ay kasama natin! Oo, nang si Jesus ay isinilang, ang Diyos ay naroroong kasama natin. Siya ay nanirahan dito sa mundo kasama natin. Siya ay nanirahan sa mundo upang tayo ay iligtas mula sa ating mga kasalanan upang Siya ay manirahan sa ating puso at upang tayo ay makapanirahang kasama Niya sa langit!
Gusto ko talaga ang awit na nagsasabi na "Ang Diyos ay hindi malayo sa langit nang hindi nagmamalasakit sa akin, ngunit Siya ay nasa aking tabi dahil araw-araw; nararamdaman ko nagmamalasakit siya sa akin at dahil diyan ako ay mayroong kapayapaan." Siya ay kasama natin, Siya ay nagdala ng kapayapaan sa mundo! Iyan ang kahulugan ng Pasko.
GAWIN
Isipin na ikaw ay pupunta sa espesyal na pulong kasama si Jesus ngayon. Gumawa ng ilang tala kung ano ang nais mong sabihin sa Kanya. Manalangin at sabihin sa Kanya ang lahat ng iyong isinulat. Siya ay kasama mo ngayon, ngayon mismo!
MANALANGIN
Salamat, Jesus, sa pagparito at sa pagmamalasakit sa akin at sa aking pamilya. Salamat sa Pasko at salamat sa pagdadala sa amin ng kapayapaan! Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!
More