Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

ARAW 10 NG 12

Luwalhati ng Langit, Kapayapaan sa Mundo

Ni Janice

KUWENTO
Tuwing mayroong nagsasabi na may sorpresa sila sa akin, hindi ko ito natitiis! Hindi ako makapaghintay hangga't sabihin nila sa akin ang magandang balita! Kapag sinabi nilang sasabihn nila ang sorpresa kinabukasan ng umaga, tulad ng Bisperas ng Pasko, hindi ako makatulog dahil sa SOBRANG pananabik! Ilan sa mga pinakamabuting sorpresa sa akin KAILANMAN ay ang, "Mag-impake ka na ng mga maleta mo, may byahe tayo! Pupunta tayo sa mga kabundukan kung saan may niyebe! Tayo ay pupunta para mag-snow skiing!" Minsan pa nga ay sinorpresa ako ng isang byahe papuntang Disney World! GUSTONG-GUSTO ko ang mga sorpresa at GUSTONG-GUSTO kong makarinig ng MABUTING BALITA!

BANAL NA KASULATAN
Basahin ang Lucas 2:8–15.

MAG-ISIP
Isipin mong inilalakad mo ang iyong aso sa isang parke sa isang mapayapa, at tahimik na gabi nang biglang sumipot ang isang malaking grupo ng mga anghel sa harapan mo at nagsimulang kumanta at magbigay ng papuri sa Diyos! Wow! Ang balita na ibinahagi ng mga angel sa mga pastol ay para rin sa atin! Inaanyayahan tayo ng Diyos na makilala ang Kanyang anak na si Jesus. Sinabi ng mga anghel na si Jesus ay Tagapagligtas para sa lahat ng mga tao. Ang imbitasyon ay ang pagpunta kay Jesus dahil sa pamamagitan ni Jesus natin nakikilala ang Diyos! Ipinadala ng Diyos si Jesus sa ating mundo para makuha Niya ang ating mga kasalanan at mailipat sa Kanyang sarili at pagdusahan ang parusa na dapat sana ay sa atin. Ito ang pinakamagandang balita KAILANMAN!

KUMILOS
Ibahagi ang magandang balita sa ibang kakilala mo: na si Jesus ay Anak ng Diyos at ang PAsko ay pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan! 

MANALANGIN
Mahal kong Diyos, salamat sa pagpapadala ng Iyong Anak na si Jesus para maging aming Tagapagligtas. Tulungan Mo kaming ibahagi ang imbitasyong ito sa ibang taong alam naming nangangailangan sa Iyo!

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org/Bible-Plans