Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa
O, Gabing Banal
Ni Nick W.
KUWENTO
Nangyari na ba sa iyo ang hindi mo inaasahan? Ang mga sorpresang ito ay maaaring mabuti o masama. Naaalala ko noong grade 7, ang aking ina at ama ay nagtungo sa aking paaralan upang magdala ng tanghalian para sa aking kaarawan! Sila ay naglakad sa harapan ng cafeteria dala-dala ang mga lobo at ice cream. Ako ay nagulat, at medyo napahiya. Ito ay pangkaraniwang araw sa paaralan hanggang ang isang hindi inaasahan ay nagpaganda ng araw ko!
BANAL NA KASULATAN
Basahin ang Lucas 2:4–7.
ISIPIN
Sa loob ng daan-daang taon, ang bayan ng Israel ay naghintay na dumating ang isang Tagapagligtas. At nang Siya ay dumating. Hindi Siya dumating na kagaya ng kanilang inaakala. Si Jesus ay hari, ngunit ang Kanyang kapanganakan ay hindi ang inaasahan mo para sa isang hari. Siya ay hindi ipinanganak sa palasyo o mansyon o maging sa isang pangkaraniwang tahanan. Si Jesus ay ipinanganak sa sabsaban dahil walang lugar sa Kanya kahit saan. Siya ay hindi napalibutan ng maharlika at mga kawal at mga alipin; kasama Niya ang Kanyang ina, ama, at ilang mga pastol na dumating upang bumisita—ang mga tao ay hindi talaga nais na makisama sa mga pastol dahil sila ay itinuturing na marumi.
Ang kapanganakan ni Jesus ay hindi malaki at magara, ngunit ito ang talagang binalak ng Diyos. Ang gabi na ipinanganak si Jesus ay banal dahil ang Tagapagligtas ng mundo sa wakas ay dumating sa daigdig. Para sa mga mamamayan ng Bethlehem, marahil ito ay isang tahimik at karaniwang gabi, kahit na mayroong isang bagay na kamangha-manghang nangyari.
GAWIN
Basahin ang Lucas 2:4–7 kasama ang iyong mga magulang, at subukang isipin ang maaaring nakikita at naaamoy nina Maria at Jose noong gabing ipinanganak si Jesus. Isulat ang ilan sa mga bagay na iyon!
MANALANGIN
Jesus, salamat sa gabi na ipinanganak Ka. Ako ay nagpapasalamat na iniwan Mo ang iyong banal na trono sa langit upang magtungo sa mundo upang maging aming Tagapagligtas. Amen!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!
More