Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa
Mabituing Mabituing Gabi
Ni Nick K.
KUWENTO
Nagawa mo na bang umupo sa labas at tingnan ang kalangitan ng gabi? Ang paggugol ng oras na nakatingala ay makapagpapaisip sa atin ng tungkol sa mga mahahalagang bagay. Madalas akong gumugol ng maraming oras sa labas sa gabi, pinagmamasdan lang ang kalangitan. Kahit ngayon, kung maganda ang panahon, lalabas ako upang maglakad-lakad sa paligid. Ito ang mga pagkakataon na parang nararamdaman ko na dinadala ako ng Diyos sa Kanya. Ang kalangitan ng gabi ay nagtutulak sa akin na maging tahimik at isipin ang tungkol sa Diyos.
KASULATAN
Basahin ang Mateo 2:1–11.
ISIPIN
Ang mga pantas (o mago) ay hindi Judio, ngunit alam nila na sinisikap ng Diyos na sabihin sa kanila ang isang bagay na mahalaga sa pamamagitan ng kalangitan ng gabi. Sila ay naglakbay nang daan-daang milya dahil sa kanilang nakita. Nagawa nila ito dahil binigyan nila ng pansin ang sinasabi sa kanila ng Diyos.
Nang sila ay dumating sa Israel, tinanong nila si Haring Herodes kung saan nila matatagpuan ang "Hari ng mga Judio." Kailangan malaman ni Herodes kung saan Siya ipapanganak. Nalaman niya sa pamamagitan nang pagtatanong sa mga nakakaalam ng Salita ng Diyos na ang Tagapagligtas ay ipapanganak sa Bethlehem.
Alam ninyo ba kung ano ang nangyari pagkatapos na makita ng mga pantas si Jesus? Binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na bumalik kay Herodes dahil siya ay mayroong mga masasamang balakin.
Ang Diyos ay nagsasabi ng iba't-ibang uri ng paraan upang makuha ang ating atensyon—ang pinakamalinaw na paraan ay sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ang Biblia, at sa pamamagitan ng panalangin. Higit sa lahat, nais ng Diyos na ikaw at Siya ay magkalapit. Kung tayo ay magsisimulang magbigay ng atensyon sa Kanya, malalaman din natin kung ano ang sinasabi Niya sa atin.
GAWIN
Hilingin sa isang magulang na maglakad-lakad sa labas na kasama ka bago matulog. Tumingin sa mga bituin at pakinggan kung ano ang tunog ng gabi. Kausapin ang Diyos nang tahimik tungkol sa kung ano ang iniisip mo habang naglalakad.
MANALANGIN
O Diyos, salamat sa Iyong kapayapaan na ibinibigay Mo sa pamamagitan ni Jesus. Tulungan mo akong isipin ang tungkol sa Iyong mga pamamaraan. Tulungan mo akong tandaan ang Jeremias 33:3: “Tumawag ka sa Akin, at ako'y sasagot sa iyo, at ako'y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman.” Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!
More