Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa
Ang Ugat ni Jesse: Tagapamayapa ng Lahat ng Tao
Ni Sabrina
KUWENTO
Noong ako ay bata pa, ako ay mayroong matalinong tuta. Siya ay walang tali dahil alam niyang maglakad nang malapit sa akin. Magagawa niyang gugulin ang buong araw na malayo sa bahay, ngunit alam niya ang daan pabalik ng bahay. Siya ay palalaro, tumatahol lamang upang protektahan ang aming bahay, at gusto niyang kinakalong . . . hanggang isang araw inatake niya at kinain ang isang ibon! Ano? Oo, kinain ng aking malambing at matalinong tuta ang ibon na napanalunan ng aking kapatid bilang regalo noong Pasko. Ako ay nabigo at nalungkot. Umiyak ako ng maraming mga araw. Hindi ko maunawaan kung bakit ang aking malambing na tuta ay hindi magawang mamuhay nang may kapayapaan kasama ang isang inosenteng ibon.
BANAL NA KASULATAN
Basahin Isaias 11:1–9.
ISIPIN
Teka lang, ano? Maaari bang mamuhay ang lobo kasama ang tupa? Maaari bang mahiga ang leopardo katabi ng kambing? Maaari bang ang isang leon at ang matabang baka ay sabay na manginain at inaakay ng isang bata? Ano ang kahulugan nito? Paano ito maaaring maging posible?
Sa Isaias 11, ipinahayag ng propeta ang mapayapang kaharian ng Mesias at inilarawan kung ano ang katulad nang mamuhay magpakailanman kasama ni Jesus. Wow! Ngunit, anong kapayapaan ito na maging ang mababangis na hayop at mga bata ay mamumuhay nang magkasama sa ganap na pagkakaisa? Hindi natin lubos na mauunawaan ang kapayapaang ito ngayon, subalit isang araw mararanasan natin ito kapag tayo ay na kay Jesu-Cristo, ang ating tanging pag-asa at kapayapaan. At oo, makikita natin ang kapayapaan sa mga bansa, iba't ibang tao, maging sa mga kaaway. Magkakaroon ng tunay na kapayapaan sa mundo. Kapag nangyari ito, walang sinuman ang gagawa ng anumang pinsala o magwawasak ng kahit ano. Ang Diyos ay gagawa at gumagawa ng mga imposibleng bagay at Siya ay magdadala ng kapayapaan sa lahat, maging sa mga hayop!
GAWIN
Ngayon, gumawa ng listahan ng ilang mga bagay na maaring gawin upang makapagdala ng kapayapaan sa isang partikular na tao. Siguro maaari kang sumulat ng isang maikling liham sa isang nakatatanda, o tawagan ang iyong mga lolo at lola, o gumawa ng cookies para sa isang kapitbahay. Mamili ng isang bagay at hilingin ang iyong pamilya na tulungan ka na maging kinatawan ng kapayapaan.
MANALANGIN
Mahal na Diyos, salamat sa kapayapaang dinadala Mo sa lahat. Salamat na kahit hindi ko lubos na nauunawaan kung anong uri ng kapayapaan iyon, magtitiwala ako na Ikaw ay gagawa ng daan kapag walang daan. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!
More