Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pasko Para sa Mga Bata: 12 Araw ng KapayapaanHalimbawa

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

ARAW 2 NG 12

Lahat ng Bagay Para sa Diyos

Ni Janice

KUWENTO
Isang mahabang tag-araw, ang akin lamang naiisip ay gusto ko TALAGA ng isang bago, kumikintab na bisikleta! Parang ang lahat ng mga bata sa kapitbahayan ay mayroong pinakamaganda, pinakabago, at pinakamakintab na bisikleta. . . maliban sa akin. Araw-araw, lahat ng aking mga kaibigan ay magtitipon upang sumakay sa kanilang magagandang bisikleta sa kalsada. Ayoko ng aking bisikleta. Gusto ko TALAGA ng bago. Sinabi sa akin ng aking mga magulang na mabibilhan lang nila ako ng bagong hawakan ng bisikleta. At bumili nga sila. Binilhan pa nila ako ng magandang klase na may nakabitin na palawit, ngunit hindi ko ikinasiya iyon. Hindi ako nagpasalamat sa kanila. Nakasimangot ako at patuloy na hindi tumanaw ng utang na loob at nahihiya sa aking bisikleta. 

Ang hindi ko alam na sa buong tag-araw habang ako ay napakalungkot at may pangit na pag-uugali, mayroong isang bagong bisikleta sa silid sa itaas ng kisame para sa akin—isang sorpresa para sa aking kaarawan.

BANAL NA KASULATAN
Basahin ang Mga Taga-Roma 8:28–29.

ISIPIN  
Sa palagay mo ba ay maaaring gawin ng Diyos ang hindi gaano kabuting mga bagay na maging kahanga-hanga? Sa Biblia, sinasabi nito na gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya. Ngunit kung minsan hindi natin ito nauunawaan; hindi natin ito nakikita kapag ang mga bagay ay hindi maganda ang pinatutunguhan. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi ako magkaroon ng bisikleta noong tag-araw. Pero, hulaan ninyo? Kilala ako ng Diyos mula sa simula at alam Niya ang lahat ng mga sorpresa at pagpapala at mga regalo na mayroon Siya para sa akin. Maaari pa nga Niyang gamitin ang hindi magandang pagkakataon sa ating buhay para sa ikabubuti—dahil mahal Niya tayo nang labis! Kaya ng Diyos na pagsamahin ang mga mabubuti at masasamang karanasan ng ating buhay para sa ating ikabubuti. 

GAWIN
Kahapon, sinabi ni Nick ang tungkol sa kanyang paggawa ng cake sa unang pagkakaton. Ngayon, nais namin na gumawa ka ng cake kasama ng iyong pamilya. Bago mo pagsama-samahin ang lahat, tumigil at tingnan ang iba't ibang mga sangkap: harina, at mantika, at mga itlog. Masarap ba kung kakainin mo ang mga ito nang isa-isa? Hindi! Pero kung ang lahat ay pinagsama-sama, masarap ito! 

Kaya ng Diyos na kunin ang mga mabubuti at masasamang karanasan natin sa ating buhay at pagsama-samahin sila para sa ating ikabubuti—para sa kung ano ang pinakamabuti para sa atin! Kaya ng Diyos na kunin ang paghihintay para sa isang bagong bisikleta at gawin itong mabuti!

MANALANGIN
Mahal kong Jesus, tulungan Mo akong pagtiwalaan Ka at maging mapagpasalamat sa Iyo KAHIT NA ang mga bagay ay parang hindi maganda ang pinatutunguhan. Naniniwala ako na ginagawa Mo ang lahat ng bagay na magkakalakip para sa ikabubuti dahil tinawag Mo ako at minahal Mo ako. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Christmas for Kids: 12 Days of Peace

Sa 12-araw na gabay na ito para sa mga bata, mababasa mo ang tungkol sa regalo ng kapayapaan na nakukuha sa pamamagitan ni Jesus at kung papaano natin makakamit ang kapayapaang ito sa ating mga puso sa bawat araw!

More

Nais naming pasalamatan ang Calvary Chapel Ft. Lauderdale sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://CalvaryFTL.org/Bible-Plans