Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Paparating na ang Pasko, at kasama nito, ang mga pamimili at mga listahan at mga pagtitipon ng pamilya at kahit papaano ay mas maraming dekorasyon na inilalabas mula sa kanilang pinagtaguan kaysa sa iniligpit natin noong nakaraang taon.
Pilit tayong kumukuha ng kahit kaunting lugar sa ating kalendaryo upang maisingit ang kahit isa pang pagdiriwang para sa Pasko. Ang mga anunsyo sa ating kapaligiran ay nagsasabing kailangang ito ang pinakamaganda, pinakamalaki pinakabago at pinakadakilang pagdiriwang sa panahong ito. Lubhang nakakalula ang mga ito.
Hindi pa nagtatagal at tayo'y desperadong nagtatanong: Nasaan ang ipinanganak na hari ng mga Judio?
Gusto natin Siyang makita. Nais nating ang lahat ng mga dekorasyon, pamimili, materyalismo at ingay ay makapaghatid sa atin sa sabsaban. Ngunit lumalabas na ang makintab at puting Christmas tree na binibili natin bawat taon ay hindi sumasalamin sa tunay na kaganapan sa isang kuwadra noong unang Pasko.
Madaling kalimutan na ang panahong ito ay tungkol sa pagsamba kay Jesus tulad ng ginawa ng mga Pantas mga taon na ang nakalipas. Sa kabila ng pulitika, kasakiman, at materyal na kayamanan sa kanilang paligid, itinuon nila ang kanilang mga mata sa isang bagay: ang pumunta para sumamba sa Kanya.
Ano ang mangyayari kung sisimulan natin ang panahon ng Adbiyento sa pamamagitan ng pagtutuon ng ating mga mata sa pagsamba kay Cristo?
Nakita ni Bea, isang dalagitang mula sa Pilipinas na tinutulungan ng Compassion, kung ano ang maaaring mangyari kapag inilagay niya si Jesus sa sentro ng kanyang buhay, na nakatuon ang kanyang mga mata sa Kanya. Sa kabila ng pagkasira ng kanyang pamilya, habang ang kanyang ama ay nasa bilangguan, mayroon siyang pag-asa:
“Si Jesus ang pandikit na nagbubuklod sa aming pamilya. Kung hindi ang Diyos ang sentro ng aming pamilya, habang ang aming ama ay nasa bilangguan, hindi ko alam kung anong uri ng tao na kaya ako ngayon." – Bea
Ang mapagsambang postura ni Bea, na nakatutok ang kanyang mga mata kay Cristo, ay isang magandang larawan kung paano natin sasalubungin ang panahong ito. Napakaraming nag-aagawan para sa ating atensyon. Madaling mawala ang ating pagtuon kay Cristo, na siyang sentro ng Kapaskuhang ito at ang dahilan kung bakit tayo nagbibigay ng mga regalo, nagkakaroon ng mga pagdiriwang, at nagtitipon bilang isang pamilya.
Siya ay karapat-dapat sa ating papuri at atensyon. Halina at sambahin natin Siya.
Manalangin:
Jesus, sa panahong ito na maaaring maging abala at maraming nakakagambala sa amin, ang pamilyang kailangang dalawin at mga pagkaing kailangang ihanda at mga listahan na dapat kumpletuhin, tulungan Mo akong ituon ang aking mga mata nang may pagsamba sa Iyo. Ikaw ang sentro ng Kapaskuhang ito. Kami ay naparito upang sambahin Ka.
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More