Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Ang panalangin ay isang misteryo sa maraming tao.
Isa rin itong pakikibaka para sa marami, lalo na sa isang mabilis at nagmamadaling mundo. Ang oras upang tahimik na makipag-usap sa Diyos ay tila madalang, at kapag ginawa natin ito, tila imposibleng tumutok habang napakaraming mga saloobing patuloy na tumatakbo sa ating isipan.
Subukang patahimikin ang iyong isip kahit ngayon. Ilang bagay ang nag-iingay sa likod ng iyong buhay?
Ang panalangin ay isang mahalagang bahagi ng ating espirituwal na paghubog.
Ang panalangin ay hindi tungkol sa pagsasabi ng mga tamang bagay o pagsasama-sama ng magagandang at perpektong mga salita. Ang panalangin ay tungkol sa pamumuhunan sa ating relasyon sa Diyos at pagpayag na ito ay bumuo sa atin.
Kung hahayaan nating maging regular na gawain ang panalangin, maaari itong magsimulang bumuo sa atin ng isang hindi nagmamadali, mas nakatuong mga tao, mga taong ang mga mata ay nakatutok kay Cristo.
Manalangin tayo.
Jesus, inaamin ko na madalas ay napakaraming nangyayari sa paligid ko, na nakakagambala sa akin mula sa masaganang buhay na iniaalok Mo sa akin at sa Iyong bayan. Sa panahong ito, patnubayan Mo ako sa payak na kababaang-loob na naging tanda ng Iyong kapanganakan, noong unang Pasko. Bigyan Mo ako ng mga mata upang makita ang mga paraan kung paano kong gagawing simple ang aking buhay; upang mas sadyang ituon ko ang aking mga mata sa Iyo at sa lahat ng mayroon Ka para sa akin.
Jesus, gusto kong magkaroon ng postura tulad ng mga Pantas. Nais kong mabuksan ang puso ko sa Iyo. Nais kong alalahanin na sambahin Ka dahil Ikaw ay mabuti at dahil naparito Ka sa amin bilang isang sanggol na nilalang upang ipakita sa amin ang Pag-ibig. Nais kong ibigay ang aking makakaya sa Iyo, at nais kong maging bukas sa mga bagong paraan kung saan Mo ako pinangungunahan.
Salamat sa panahon na ito at sa mga paraan na nagpapaalala sa akin na huwag magmadali at ituon ang aking mga mata sa Iyo, Jesus.
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More