Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 10 NG 27

Ang pag-asa ay isang nakakatawang bagay. Madaling magkaroon nito hanggang sa hindi na siya maging madali; madaling kumapit dito hanggang sa magkamali ka. Ito ay isang salita na nagpapalamuti sa ating mga nakasulat na panalangin at sa mga karatulang nakadikit sa ating mga dingding. Ito'y laganap sa ating kultura kaya marahil ay nawala na ang kapangyarihan nito. 

Ang Mga Hebreo 6:19 ay nagsasabi sa atin na ang pag-asa na mayroon tayo sa pamamagitan ng Anak ng Diyos, si Jesus, ay isang angkla para sa ating mga kaluluwa. 

Tulad ng isang angkla na humahawak sa isang bangkang pangisda sa lugar habang may rumaragasang bagyo, gayon din ang pag-asa ni Cristo kapag ang mundo sa paligid natin ay nagbabago. Kapag wala na tayong mga sagot. Kapag handa na tayong sumuko. 

Katulad ni David nang itinakda ng kanyang anak na pabagsakin siya o tulad ni Maria nang siya ay nagulumihanan sa balitang dadalhin niya ang anak ng Diyos sa kanyang birheng sinapupunan, inaanyayahan tayo sa isang banal na pagkapit, isang pagkapit sa Diyos na nangangako sa atin ng totoo at pangmatagalang pag-asa kapag ang mundo ay tila gumuguho na. Tulad ng isang angkla, ang pag-asa na mayroon tayo sa pamamagitan ni Cristo ay matibay, nariyan, at hindi natitinag. 

Pagninilay:

  • Paano mo maililipat ang pag-asa ni Cristo mula sa pagiging isang maganda ngunit mahirap unawaing kaisipan tungo sa isang nasasalat na pansagip-buhay sa oras ng kalituhan at problema?
  • Anong mga kalagayan ng puso ang dinadala mo ngayong panahon ng Pasko na nakakasagabal sa iyong kakayahang umasa? 
  • Saan pa ba sa Banal na Kasulatan maaari kang mapaalalahanan na manindigan nang matatag sa Kanyang pag-asa at panatilihing nakatingin ang iyong mga mata sa Kanyang matatag at pangmatagalang pag-asa?

Manatili sa pag-asa ng Diyos ngayon, at hayaan itong maging angkla para sa iyong kaluluwa. 

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV