Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Ang musika ay isang makapangyarihang paraan upang ikiintal ang mga katotohanan ni Cristo sa ating puso, isipan, at tainga.
Ngayon, gumawa ng punto ng pakikinig sa musikang Pasko na nagpapaalala sa iyo kung saan matatagpuan ang iyong tunay na pag-asa.
Musikang nag-uudyok sa iyo na iangat ang iyong ulo at magpahinga sa perpektong kapayapaan ng Diyos kahit sa gitna ng problema.
Pag-isipan kung ano ang nararamdaman mo sa musika habang nagbibigay ka ng oras para ipikit ang iyong mga mata, makinig, at huminga nang malalim.
Narito ang dalawang kanta na hihikayat sa iyo kung kailangan mo ng mungkahi:
- God With Us ng All Sons and Daughters
- Doxology ng Maverick City Music
Pagninilay:
- Paano nangungusap sa iyo ang mga salita ng napili mong kanta ngayon?
Isulat ang mga salita o ipadala ang liriko sa isang kaibigan na nangangailangan ng pampatibay-loob. Sa pag-angat mo ng iyong ulo maituturo mo sa iba ang iyong dakilang Pag-asa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More