Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 14 NG 27

Ngayon, sa huling araw ng ikalawang linggo ng Adbiyento, maglaan ng oras sa iyong gawain sa umaga o gabi upang patahimikin ang iyong puso, magsindi ng kandila, at magbasa mula sa Mga Awit ng panaghoy tulad ng Mga Awit 42  o Mga Awit 77

Dalhin ang iyong mga kalungkutan, mga katanungan, at mga takot sa Panginoon kahit na hindi ka makapagsalita. Nangangako ang Diyos na ang Kanyang Espirituaya mamagitan para sa iyo ng mga daing na walang salita (Mga Taga-Roma 8:26).

Maglaan ng ilang sandali upang ilapit ang mga nasa paligid mo na nagdadalamhati o nakakaramdam ng bigat sa isang taon ng pagdurusa. Ang mga taong partikular na naapektuhan ng mga kaganapan sa taon.

Pagninilay:

  • Anong mga praktikal na bagay ang maaari mong gawin bilang tugon sa itinuro sa iyo ng Diyos ngayong linggo?
  • Sino ang maaari mong pagpalain ng isang salita ng panghihikayat, isang maliit na regalo, o isang tawag sa telepono para lang ipaalam sa kanila na hindi sila nag-iisa ngayong panahon ng Pasko?

Ngayon, humayo at gumawa ng isang masunuring hakbang upang sumikat ang iyong liwanag at maging pampatibay-loob sa iba. 

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV