Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Ang panalangin ang kondisyon kung saan inaanyayahan tayo ng Diyos kapag naramdaman nating gumguho na ang mundo natin. Kapag nadarama natin na nabibigatan tayo sa mga nasirang katotohanan na ating nararanasan.
Ang kagandahan ng panalangin ay ang Banal na Espiritu ay nangangako na mamamagitan para sa atin kapag hindi natin batid ang mga salitang sasabihin.
Iniimbitahan tayo ni Jesus na dalhin ang ating mabibigat na pasan at ilagay ito sa Kanyang paanan. Maaaring mahirap para sa atin na gawin ito, o maaari pa rin tayong makadama ng pagkabalisa kapag ibinibigay natin ang ating mga alalahanin sa Kanya, ngunit ipinangako Niya na papasanin NIya ang ating pasan gaano man ito kalaki.
Iniimbitahan tayo ni Jesus na makahanap ng kapahingahan sa Kanyang soberanya. Yan ang kagandahan ng regalo ng bata sa sabsaban. Siya si Emmanuel—ang Diyos kasama natin.
Manalangin tayo.
Jesus, lumalapit ako sa Iyo, tinatanggap na ang panahong ito ng taon ay maaaring maging mahirap. Kinikilala ko na kung minsan ay hindi ko nararamdaman ang kagalakan at ang maluwalhating pag-asa ng iyong pagdating. May mga araw na nalulupig ako ng mga pangyayari sa lumipas na taon.
Ang mga pagkalugi, ang dalamhati, ang kalituhan, ang kawalan ng katiyakan, ngunit alam ko, Panginoon, na kaya kong hawakan ang Iyong kabutihan at ang kabigatan ng mundong ito nang hindi nawawalan ng pananampalataya.
Alam ko na, kahit na walang katuturan, mabuti Ka pa rin. Dalangin ko na, habang naghahanda ako para sa pagdiriwang ng Iyong pagdating, mapuno ako ng kapayapaan at pag-asa. Ikaw ang Dakilang Hari na nagpapasan ng lahat ng pasanin, ang Dakilang Hari na itinataas ang aking ulo sa langit at inaalis ang aking mga paa mula sa putikan.
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More