Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Ang talatang ito mula sa Mga Taga - Filipos ay lubos na nagpapakita ng kulturang kakaiba sa kanilang nalalaman. Nangangailangang sadyain na hindi tumingin sa ating mga kapakanan kundi ang bawat isa ay tingnan ang kapakanan ng iba (v. 4). Sino ang gumagawa niyan?
Ano kaya ang magiging hitsura niyan?
Nabubuhay tayo sa isang kulturang lubos na nagpapahalaga sa sarili. Binibigyang-halaga natin ang ating sarili. Nag-iipon tayo para sa ating kinabukasan. Nagsasalita lang tayo kapag may isyu patungkol sa atin; ayaw natin ng gulo.
Ngunit sa talatang ito, inaanyayahan ni Pablo ang mga tagasunod ni Cristo sa ibang paraan.
Nagsisimula ang talata sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan sa ating motibasyon: pagkakaisa kay Cristo, ang kaaliwan ng Kanyang pag-ibig, pakikibahagi sa Espiritu, kahinahunan, at habag (v. 1).
Kung mararanasan natin ang mga bagay na iyon, sabi ni Pablo, dapat tayong mamuhay nang iba. “Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.… [Pagmalasakitan] ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.” (v. 3-4).
Ito ay isang lubhang kakaibang paraan ng pamumuhay na naging posible sa pamamagitan ng impluwensya ng kaisipan ni Cristo sa ating buhay.
At ano ang resulta?
Na “para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.” (v. 11), na mas maraming tao ang maakit sa paraang ito ni Cristo na hindi ayon sa kanilang kultura.
Mga Pagninilay:
- Ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng talatang ito?
- Ano sa talatang ito ang nakaaaliw sa iyo? Anong hamon sa iyo?
- Kaninong mga interes ang tinitingnan mo? Sa anong mga paraan maaari kang magsimulang tumingin sa mga interes ng iba?
Sa paghahanap mo ng mga paraan upang tingnan ang interes ng iba ngayon, makapagdadala ka ng kaaliwan at pagmamahal ni Jesus sa iba sa paligid mo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More