Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Kailan ka huling lumuhod sa oras ng pagdarasal? Maaaring kakaiba ang pakiramdam, marahil ay medyo alanganin, ngunit subukan ito!
Tingnan kung paano makakatulong ang pagbabagong ito sa iyong pisikal na postura upang magbigay ng inspirasyon sa iyong espirituwal na postura.
Ang panalangin ay tungkol sa pagbabago sa atin. Ito ay tungkol sa pagtulong sa atin na magkaroon ng postura ng pagsamba, paghanga, pagsuko, at pagiging bukas sa harap ng Diyos. Mahalagang tandaan na ang lahat ng mga postura na ito, kabilang ang pagsuko, ay hindi pangminsanang bagay lang. Nangangailangan ito ng patuloy na pagbabago sa ating puso, kamay, at gawi sa harap ng Diyos.
Manalangin tayo.
Panginoong Jesus, inaamin ko na ang mundo ko ay kadalasang higit na tungkol sa akin kaysa sa Iyo o sa mga taong inilagay Mo sa aking landas. Nakatutukso at mas madaling pangalagaan ang sarili ko at tingnan ang mga interes ko, hindi ang interes ng iba. Ngunit alam kong hinihiling Mo sa amin na mamuhay nang kontra-kultura, at hindi Ka humihiling sa amin ng isang bagay na hindi Mo pa naipapakita sa amin kung paano gawin ito.
O Jesus, salamat sa Iyong pagkakatawang-tao. Para sa pagpili na makasama kami sa gulo at pagkasira ng aming mundo. Salamat sa halimbawang ipinakita Mo sa amin sa pagkakaroon ng katangian ng isang lingkod.
Jesus, maaari Mo bang ihayag sa akin ang mga paraan na kailangan kong gawin sa pagsuko at pagpapakumbaba? Maaari Mo bang buksan ang aking mga mata sa mga paraan na inaanyayahan Mo akong makasama ang iba, upang paglingkuran sila, upang tingnan ang kanilang mga interes?
O Jesus, inaasahan namin ang araw na kikilalanin Ka ng bawat nilalang bilang Panginoon sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More