Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Ang awit ng papuri ni Maria saLucas 1:26-55 ay kilala bilang The Magnificat (v.46-56). Ang salitang "Magnificat" ay isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay, "pinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon."
Minsan minamadali natin ang bahagi ni Maria sa kuwento ng Pasko.
Inilalarawan natin siya na maamo at banayad, tahimik na nagpapasakop sa balita ng anghel Gabriel. Ngunit maglaan ng ilang sandali upang isipin kung ano ang maaaring nadama ni Maria.
Maglaan ng isang segundo upang damhin ang katotohanan. Isang kabataang babae na walang pangalan ang sinabihan na siya ay magkakaroon, hindi lamang ng sinumang anak, kundi ng anak ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, bago siya ikasal sa kanyang kasintahang si Jose.
Maaari lamang nating ipagpalagay na si Maria ay napuno ng ganap na takot sa mismong pag-iisip. Ano kaya ang iisipin ng mapapangasawa niya? Iiwasan kaya siya ng pamilya niya? Tatanggihan siya ng kanyang komunidad? At paano nga ba palalakihin ang anak ng Diyos?
Kailangan ng plano ng Diyos para kay Maria na buksan niya ang kanyang mga kamay sa pagsuko at pananampalataya, at sa postura ng pagsunod na iyon, dinakila ng kanyang kaluluwa ang Diyos.
Mga Pagninilay:
- Hayaan ang katotohanan ng sitwasyon ni Maria ay lubos na maunawaan. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa lugar niya?
- Ngayon, basahin muli ang mga talata 46-56. Ano ang ipinakita sa iyo ng awit ni Maria tungkol sa kanyang posisyon sa kanyang Ama? Ang kanyang pananaw sa kanyang sariling buhay?
- Ano ang maituturo sa iyo ng tugon ni Maria tungkol sa pamumuhay nang nakabukas ang iyong mga kamay?
Nawa'y mag-umapaw ang iyong puso ngayon habang inilalahad mo ang iyong mga kamay sa pananampalataya at pagsuko sa Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More