Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 24 NG 27

Tayo'y mga nilalang na gusto ng kaginhawaan. Nabubuhay tayo sa isang kultura na nakasentro sa kaalwanan, kaginhawahan, at kaligtasan. Mas gusto natin ang drive-thrus, para manatili tayo sa ating mga sasakyan. 

Gumagawa tayo ng mga upuan na naiihiga sa mga sinehan, para nakahiga tayo habang nanonood. Isang pindot lang para buksana gngarahe at marahil ay mawala ang mga pagkakataong makipag--usap sa ating mga kapitbahay. 

Bagama't hindi mali ang lahat ng maliliit na kaaliwang ito, ang panganib sa kaginhawaan ay napakadaling sambahin ito. Nakikita natin ito kapag tumutugon tayo ng "hindi" sa mga banal at magagandang pagkakataon na tinatawag tayo ng Diyos dahil natatakot tayong lumabas sa ating nakasanayang lugar ng kahinhawahan.

Ang pagnanasa para sa kaginhawahan ay nagsisimulang tumagos sa iba pang bahagi ng ating buhay, at tayo ay nabubuhay nang nakabantay habang nakayuko ang ating mga ulo at nakakuyom ang ating mga kamao. 

Ang sobrang pagnanais para sa kaginhawaan ay tumutukoy sa isang hindi wastong dinamiko: Hindi tayo lubos na nagtitiwala sa kabutihan at probisyon ng Diyos. 

Kung naniniwala tayo na ang ating Diyos ay mabuti at Siya ay para sa atin, tiyak na malalaman natin na gagabayan Niya tayo sa kung saan Niya tayo tinatawag. Nangangako si Jesus na ibibigay ang ating mga pangangailangan, kaya hindi tayo dapat matakot na humakbang sa hindi natin alam. 

Kapag nakapagtiwala tayo nang buo at malaya sa Diyos, mas natural tayong mamumuhay nang nakataas ang ating mga ulo upang makita ang pangangailangan sa ating paligid at bukas ang ating mga kamay upang ibigay ang ating sarili sa iba na naaayon sa puso ng kabutihang-loob ng Diyos. 

Mga Pagninilay:

  • Saang mga bahagi ng iyong buhay nahihirapan kang magtiwala sa Diyos? 
  • Ano ang anyo ng pagtitiwala para sa iyo ngayong panahon ng Pasko? 
  • Ano ang kinakatakutan mong mangyari kung mamumuhay ka sa isang postura ng pagiging bukas sa kung ano ang maaaring mangyari na hindi komportable?  

Nawa'y bigyan ka ng Diyos ng lahat ng kaginhawahan ngayon habang binubuksan mo ang iyong mga kamay at nagtitiwala sa Kanya. 

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV