Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Halika, magsindi ng kandila, at tipunin ang iyong mga kaibigan, pamilya, at mga mahal sa buhay. Punan ang iyong mga mesa, buksan ang mga kurtina, at hayaang pumasok ang liwanag.
Dumating na ang ating Hari!
Ang Diyos ay nagkatawang-tao upang manahan sa gitna natin. Ipagdiwang natin ang maluwalhating kapanganakan ng ating Tagapagligtas, si Jesu-Cristo!
Sama-sama nating sambahin Siya.
Makinig: Hosanna ni Josh Garrels
Manalangin:
Haring Jesus, sinasamba Ka namin. Ang Iyong buhay ay nagbibigay sa amin ng buhay. Inilapit Mo kami sa Iyo at tinawag kaming mga kaibigan. Sa Iyo, mayroon kaming hininga, buhay, at pagkatao. Jesus, ang kababaang-loob ng Iyong pagdating ay nagsasabi ng mas dakilang salaysay. Ito ay nagsasabi kung anong uri Ka ng Hari. Ikaw ay isang Hari na naparito, hindi upang mamuno sa pamamagitan ng tabak, kundi sa pamamagitan ng pagiging alipin. O Diyos, sa pamamagitan ng Iyong Anak, binigyan Mo kami ng buhay at buhay na sagana.
Hindi na natin kailangan pang maghanap ng katuparan sa mga bagay na lumilipas! Hindi na natin kailangang itali ang ating pagkakakilanlan sa mga bagay na nalalanta. Sa Iyo, aming Hari na ipinanganak sa sabsaban, nasa amin ang lahat ng aming kailangan. Idinadalangin namin, Panginoon, sa pagpasok namin sa bagong taon na ito, hayaan Mong sa pamamagitan ng Iyong Banal na Espiritu na mamuhay kami kung paano Kang namuhay dito sa mundo.
Turuan kaming panatilihing nakatutok ang mga mata sa Iyo, anuman ang abala na nakikipaglaban para sa aming atensyon.
Gabayan mo kami upang tingnan ang Iyong kabutihan at ang Iyong kaluwalhatian kapag pinupuno ng mundo sa aming paligid ang aming mga puso ng kabigatan.
Ipaalala sa amin na manatiling nakaluhod habang araw-araw naming inilalagay Ka sa Iyong karapat-dapat na trono, at iniaalay sa Iyo ang aming mga hangarin na gawin ang aming buhay na tungkol sa aming sarili.
Hikayatin kaming mamuhay nang bukas ang aming mga kamay, malayang nagbibigay sa iba dahil sa biyayang ibinigay sa amin.
At tulungan kaming ibuka ang aming mga kamay upang masayang tanggapin ang kaloob na buhay na ibinigay Mo sa amin at sambahin Ka nang buong buhay namin.
Nawa'y ang aming mga postura sa buhay ay magdala sa Iyong Kaharian sa unahan, ang aming Prinsipe ng Kapayapaan. Sa darating na taon, nawa'y mahalin Ka namin ng buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas, na namumuhay ayon sa Iyong naging buhay at nagmamahal tulad ng Iyong pagmamahal.
Amen.
Umaasa kaming hinikayat ka ng Gabay na ito. I-Maghanap ng Iba Pang Mga Mapagkukunan mula sa Compassion Canada.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More