Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Ngayon, gumamit ng musika para tulungan kang mapunta sa postura ng pagsuko.
Hayaan ang mga liriko ng isa sa iyong mga paboritong kanta sa Pasko na magpaalala sa iyo na mapagpakumbabang ialay ang iyong pusong isinuko kay Jesus habang nakaluhod, na Siyang nangunguna sa atin at pinipiling makasama tayo sa tuwina.
Bigyang-pansin ang iyong pisikal na postura habang nakikinig ka.
Pinapayagan mo ba ang iyong katawan na gayahin ang postura ng iyong puso o ang tono ng mga titik? Subukang pahintulutan ang iyong buong sarili na manatili sa isang postura ng pagsuko habang nakikinig ka.
Narito ang ilang kanta kung kailangan mo ng hudyat:
- Breath of Heaven ni Amy Grant
- Little Drummer Boy ng For King and Country
Pagninilay:
- Paano nakikipag-usap sa iyo ngayon ang mga titik ng napili mong kanta?
Ngayon, hayaang ang iyong pagsamba sa Diyos ay maging isang handog ng pagsuko sa Kanya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More