Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 18 NG 27

Ang Pasko ay isang pagdiriwang ng pagkakatawang-tao ni Jesus. Ito ay isang pagdiriwang ng Kanyang pagpili na maging tao at makasama natin sa pagkasira at pagtubos ng ating laman. 

Si Pablo, sa kanyang liham sa Mga Taga-Filipos, ay nag-aanyaya sa atin na magkaroon ng kaparehong pag-iisip gaya ni Cristo sa “pagkuha ng mismong katangian ng isang alipin” sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagkakatawang-tao.

Ganito ang pagkakasalin nito sa The Message Bible: “Ang Salita ay naging laman at dugo at nanirahan sa piling namin" (Juan 1:14).

Ang nakikita natin kay Jesus ay sa paglilingkod sa iba, ang pagiging malapit at  ang makasama ay mahalaga. Sabi ng may-akda na si Ann Voskamp, “With-ness breaks brokenness.”

Sa pagkawasak ng ating mundo, ang halimbawa ni Jesus sa atin ay ang pagkakatawang-tao, ang maging kasama ng ating kapit-bahay, kasama ng mga hindi natin katulad, maging kasama ng mga naghihirap, makasama ang mga nawawala at pinakamaliliit sa lipunan. 

Sumali si Jesus sa laro. Hindi Siya tumayo lang sa isang tabi habang pinanonood ang nangyayari, at hindi Siya isang Tagapagligtas na nakahiwalay. Para kay Jesus, ang pagkakaroon ng likas na katangian ng isang alipin ay nangangahulugang kasama ka sa lahat-lahat, kasama natin Siya.

Mga Pagninilay:

  • Ano ang ibig sabihin ng "pagkakatawang-tao" sa iyo?
  • Sa anong mga pagkakataon kailangan kang magkatawang-tao sa iyong komunidad sa panahon na ito at sa darating na taon?

Ang mismong katangian ng isang lingkod ay ang  makasama  ng iba. Hayaang ang iyong presensya, na puspos ng pag-ibig ni Cristo, ang bumasag sa pagkasira ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV