Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Sa ating kulturang Kanluranin, ang Pasko ay tila kasingkahulugan ng salitang pamimili, di ba? Ang ating pagnanais na magbigay at ipakita sa iba na tayo ay nagmamalasakit, kahit na mula sa isang magandang kaisipan, ay mabilis na nagiging mga bayarin sa credit card na hindi nababayaran at mga tambak na kahon sa ating pintuan.
At ang mga gawi sa pamimiling ito ay hindi humihinto sa panahon ng Pasko.
Alam mo ba na ang karaniwang miyembro ng Amazon Prime ay gumagastos ng halos $1,900 sa online shopping bawat taon? Marahil ay hindi natin gaanong naiisip kung saan natin ginagastos ang ating pera sa ating pamimili sa pamamagitan ng isang pindot lamang.
Sa pagtatapos ng 2020, tingnan ang iyong mga gastos nitong nakaraang taon.
Habang binabasa mo ang Mateo 6:19-24, isipin ang mga tanong na ito at hayaang tumagos ang mga ito sa iyong puso.
Mga Pagninilay:
- Magkano sa iyong kita ang napunta sa mga gawaing pangkawanggawa, sa lokal na simbahan, o mga taong nangangailangan?
- Gaano karaming oras ang ginugol mo noong 2020 sa paglilingkod sa iba sa pamamagitan man ng iyong simbahan, lokal na outreach, o paglalakbay sa misyon?
- Mayroon bang panahon sa taong ito kung saan naging mahirap ang pagbubukas ng iyong mga kamay sa pagbibigay nang may pagsasakripisyo? May panahon ba na parang madali lang? Ano ang plano mong gawin nang iba sa susunod na taon?
Nawa'y mag-umapaw ang iyong puso habang nag-iisip ka ng mga paraan para bukas-palad mong ibigay ang iyong oras, pananampalataya, at mga mapagkukunan ngayong Pasko.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More