Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 9 NG 27

May mga taon na hindi natin ito nararamdaman, di ba? Ang saya ng Pasko na "dapat" nating maramdaman sa panahong ito ng taon. Ang pagsamba at kagalakan na kasama sa araw na ang ating Tagapagligtas ay nagkatawang-tao upang Siya ay makasama natin dito sa lupa. Minsan, may mga taong napakahirap para sa atin.

Ang bigat ng nakikita natin sa mga balita ay higit pa sa kasabikan ng paglalagay ng Christmas tree sa sala.

Ang pintig ng ating mga wasak na puso mula sa isang taon ng matinding pagkalito, pagkawala, at pakikibaka na dulot ng COVID-19 ay mas malakas kaysa sa mga awiting Pasko sa ating mga speaker.

Ang ingay ng ating mga kapatid na umiiyak sa kawalan ng pag-asa dahil sa kawalang-katarungan ng mundo na tumitiim sa ating mga ugat nang higit pa kaysa sa ating mga awitin ng pagsamba.

Ang Mga Awit 3 ay maaaring isinulat sa ating sariling panahon.

Pansinin ang konteksto ng salmo ni David. Si David ay umiyak sa Diyos sa gitna ng kanyang takot at kalungkutan. Ang kanyang anak, si Absalom, ay nanguna sa isang paghihimagsik laban sa kanya, na nagtangkang ibagsak siya. Naiisip mo ba kung ano ang mararamdaman mo kung saktan ka ng iyong anak sa ganitong paraan? 

Sa buong awit na ito, nakikita natin ang pag-uumapaw ng kalungkutan ni David. Siya ay nalulula sa dami ng mga taong gustong umatake sa kanya. Ngunit kahit sa katotohanang ito, ayaw niyang magpatinag.

Huminga nang malalim at basahing muli ang talata. Pansinin ang postura ni David habang siya ay umiiyak sa Diyos.

Ang pagtitiwala ni David sa pagliligtas at proteksyon ng Diyos, kahit na gumuho ang lahat ng bagay sa paligid niya, ay nagtuturo sa atin ng isang bagay na dapat tandaan ngayong panahon ng Pasko. 

Mga Pagninilay:

  • Ano ang napapansin mo sa kilos ni David sa gitna ng takot at pagkalito? 
  • Anong mga salita ang nananatili sa iyo? 
  • Ano ang magiging hitsura para sa iyo na ituon ang iyong puso at ang iyong isipan sa Diyos sa mga oras ng kahirapan? 

Sama-sama, itunghay natin ang ating mga ulo sa ating Makapangyarihang Hari, na ipinanganak upang palayain tayo sa mga tanikala na gumagapos sa atin.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV