Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
May mga araw na tila ang mundo'y hindi tahimik at maliwanag. Parang sasabog na lamang. Ang lahat ay masakit, at hindi natin mahanap ang mga sagot kung bakit.
Tumitingin tayo sa ating paligid upang tingnan kung mayroong anumang bagay na maaaring makapag-ayos nito o makapagbigay ng mga sagot sa mga pagkasirang nararamdaman. Itinutulak natin ang mga tanong dahil natatakot tayong hindi natin mahanap ang ating hinahanap, ngunit ang lahat ay kulang. Walang nakakatugon.
Madalas maramdamang ng salmistang si David ang ganitong damdamin. Sa Mga Awit 3, isinulat niya kung paanong napapalibutan siya ng kanyang mga kalaban, na bawat isa ay nagsisikap na kumbinsihin siya na pinabayaan na siya ng Diyos. Ngunit si David ay nagsalita ng katotohanan sa mga kasinungalingang ito:
“Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.” – Mga Awit 3:3
Ang pagtitiwala ni David ay nagtuturo sa atin ng isang bagay na mahalaga tungkol sa ating Diyos. Siya ang Emmanuel, kasama natin ang Diyos.
Kasama natin ang Diyos sa kalungkutan, sakit, at pagtatanong.
Kasama natin ang Diyos kapag hindi natin kayang kantahin ang mga koro ng pagsamba.
Kasama natin ang Diyos kapag ang lahat ay masakit at wala na tayong maibibigay.
Hindi sa kabila ng kundi dahil sa ating sakit at pasakit kaya ipinagdiriwang natin ang kapaskuhang ito, dahil naglilingkod tayo sa isang Diyos na nakakaalam ng sakit, isang Diyos na naparito upang panumbalikin ang lahat ng bagay, isang Diyos na nag-aanyaya sa atin na dalhin ang ating kabigatan at sakit at ilagay ito sa Kanyang paanan.
Nakabisado na ni Kauany mula sa Brazil ang ibig sabihin ng pagtingin tanging kay Cristo lamang sa gitna ng pakikibaka. Simula noong siya ay pitong taong gulang pa lamang, natagpuan ng mga doktor ang mga cancerous cyst na patuloy na lumilitaw sa mga obaryo, gulugod, baga, at dibdib ni Kauany sa loob ng maraming taon. Kahit na ang lahat sa paligid niya ay tila umiikot, patuloy na itinuon ni Kauany ang kayang isip kay Cristo.
“Hindi ko maintindihan kung bakit pinahintulutan ng Diyos na magkasakit ako,” sabi ni Kauany, “ngunit alam kong mabuti Siya, at naniwala akong tutulungan Niya akong mamuhay ng magandang buhay, ilang dekada man ako mabuhay.”
Sa paglipas ng mga taon, ipinagpatuloy ni Kauany ang pag-angat ng kanyang ulo sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa kanyang pagpapagamot kasama ang kanyang pamilya at ang Compassion Center. Noong 2018, nakatanggap siya ng ilang balitang nakapagpabago ng kanyang buhay. Siya ay ganap nang walang kanser!
Ituon natin ang ating mga mata sa Kanya sa bawat sitwasyon. Tapat Niyang hahawakan ang ating mga takot at gagawa Siya ng higit pa kaysa sa maaari nating hilingin o isipin.
Manalangin:
Jesus, minsan ang sakit ng aking mga kalagayan at ang bigat ng mundo sa paligid ko ay nagpapahirap sa akin na makita ang katotohanan. Minsan mahirap iangat ang ulo ko para tingnan ang Iyong mukha at hindi ang gulo sa paligid ko. Ipaalala sa akin na Ikaw ang tulong kong laging nariyan. Dalangin ko na araw-araw Mong ipaalala sa akin na ang Iyong pamatok ay madali at ang Iyong pasanin ay magaan.
Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More