Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 7 NG 27

Minsan maaari tayong mapako sa pag-iisip na ang pagsamba ay maaari lamang ipahayag sa mga tiyak at piling paraan. Ngunit napakalayo nito sa katotohanan! 

Sa kabuuan ng banal na kasulatan, hinihikayat tayong ipahayag ang ating papuri at pagsamba sa pamamagitan ng pagtugtog ng mga simbalo o pag-awit ng isang himno sa mga gusali at lugar ng pagsamba o habang tayo'y nasa kalikasan gamit ang ating isip, puso, at mga tinig. 

Ano ang magiging hitsura para sa iyo na makahanap ng mga bago at malikhaing paraan sa pagsamba?

Upang magsimula, subukang malikhaing makisali sa kuwento ng tatlong Pantas ngayon. 

Maaaring kakaiba ang pakiramdam na itigil pansamantala ang iyong ginagawa, sandaling ihinto ang iyong tahimik na oras ng pagmumuni-muni, at sumali sa pagsamba, ngunit ang pagsubok ng bago at kakaiba ay maaaring magpayaman sa iyong oras ng debosyonal.

Bago isarado ang iyong app o bitiwan ang iyong device, isaalang-alang ang kuwento ng Mga Pantas mula sa Mateo 2:9-12 na pinagtuunan natin ng pansin nitong nakaraang linggo, pagkatapos ay mag-isip ng mga paraan kung paano ka maaakay nito sa pagsamba.

Tahimik man ito o malakas, nakikita o hindi nakikita, pribado o pampubliko, aktibong tumutok sa Hari ng mga Hari!

Mga ideya sa pagsali sa sipi:

  • Gumuhit ng larawan
  • Sumulat ng tula o maikling pagninilay
  • Lumikha ng sayaw
  • Sumulat ng maikling kanta o kantahin ang nasa puso mo

Pagpalain nawa ang Panginoon habang ginagawa mo ang kuwentong ito bilang isang malikhaing pagpapahayag ng pagsamba!

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV