Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa
Ang kalagayan ng mga Pantas nang dinalaw nila si Jesus ay parehong pisikal at espirituwal.
Masayang-masaya sila, isang bihira ngunit kailangang-kailangang kalagayan ng puso sa ating mundo.
Sila ay yumukod at sumamba. Sila'y mga dalubhasa na may kaalaman at kayamanan, ngunit para sa kanila, may taglay si Jesus na mas makapangyarihan pa kaysa sa kanilang makamundong kapangyarihan. Nakita nila ang sanggol na ito bilang karapat-dapat purihin.
Nagbigay sila ng mga regalo at hindi lamang ng anumang mga regalo. Inilarawan ng Biblia ang kanilang mga kaloob bilang mga kayamanan. Inialay nila ang pinakamagandang regalo kay Jesus.
Mapagbantay sila sa pangunguna ng Diyos. Pinrotektahan nila si Jesus sa pamamagitan ng pagtahak sa ibang ruta palayo kay Herodes. Hinayaan nila ang Diyos na pamunuan sila kahit na ito ay nakagambala sa kanilang mga plano.
Ang mga Pantas ay mga kilalang tauhan sa kuwento ng kapanganakan ni Jesus. Ngunit kapag mas pinagtuunan pa natin ang kanilang kuwento, makikita natin na ang kanilang mga pagpili at aksyon ay tila radikal.
Basahin muli ang talata at i-highlight ang mga salitang kapansin-pansin sa iyo, pagkatapos ay pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:
- Ano ang natututuhan mo sa mga paraan ng pagsamba ng mga Pantas kay Jesus?
- Ano ang anyo ng pagsamba para sa iyo?
- Paano mo ipinapalagay ang postura ng pagsamba sa harap ng Diyos?
- Mapagmatyag ka ba sa kung paano ka pinangungunahan ng Diyos? Bukas ka ba sa ibang paraan kaysa sa binalak mo?
Sa pagtungo mo sa sabsaban upang sambahin si Jesus sa panahong ito tulad ng mga Pantas, nawa'y mapuspos ka ng pag-asa at kagalakan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.
More