Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 3 NG 27

Siyasatin ang iyong puso ngayon habang papalapit ang panahon ng Pasko. 

Maaari itong maging isang panahon kung saan ang mga kagalakan at kalungkutan ng nakaraang taon o maging ang kasalukuyang sandali ay tila mas matindi. 

Maaaring may dala-dala kang pagkawala sa panahong ito. Ang pagkawala ng isang mahal sa buhay, isang trabaho, o isang paraan ng pamumuhay. Marahil ay may dala-dalang kang tagumpay laban sa sakit, pagkagumon, o isang matagal na layunin; marahil ay may dala-dala kang kawalan ng katiyakan tungkol sa hinaharap, isang relasyon, o isang paglipat; marahil ay umaasa ka ng isang bagong buhay, kalayaan, o isang ideyang matagal mo nang pinag-iisipan; maaaring may dala-dala kang tig-kakaunti ng lahat ng ito. 

Anuman ito, mahalaga ito kay Jesus. 

Si Pedro, sa kanyang liham, ay nagsasabi sa atin na ibigay lahat ng ating pagkabalisa sa Diyos dahil Siya ay nagmamalasakit.  

Inaanyayahan tayo ng salmista na ibigay ang ating mga alalahanin sa Panginoon na may pangakong aalalayan Niya tayo. 

Ang iyong dinadala ay hindi isang bagay na isasantabi habang nakatuon ang iyong mga mata kay Jesus. Ito ay isang bagay na dadalhin mo sa Kanya habang ikaw ay sumasamba. 

Mga Pagninilay: 

  • Ano ang dala-dala mo sa panahong ito?
  • Paano mo ito madadala sa iyong pagsamba?
  • Paano nito mahuhubog ang paraan ng iyong pagsamba, at paano mo ito madadala kay Jesus, na nagpapahintulot sa Kanya na hubugin at baguhin ito?

Habang ibinibigay mo ang iyong mga alalahanin at dinadala ang mga ito sa harap ng ating mapagmahal na Panginoon, pagmamalasakitan at susuportahan ka Niya. 

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV