Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Postura sa Panahon ng Adbiyento: Isang Pang-araw-araw na Debosyonal sa PaskoHalimbawa

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

ARAW 4 NG 27

Gumawa ng isang pagsusuri ng buhay sa pagpasok mo sa panahon ng Pasko. Mayroon bang anumang paraan upang pasimplehin ito?

Ang ating pagiging makasarili at pagkakaroon ng materyalistikong pamumuhay, lalo na sa ating modernong mundo ay maaaring humantong upang tingnan natin ang lahat bilang isang pangangailangan

Kailangan natinang pinakabago at pinakamahusay na teknolohiya. Kailangan natin ang maluhong bakasyon na iyon. Sa halip na ibahagi sa ating mga kapitbahay, kailangan natin ang ating sariling snowblower, lawnmower, at marami pang ibang bagay na maaari naman nating ibahagi.

Higit pa riyan, kailangan nating dumalo sa bawat pagtitipon. Sa bawat pagtitipon sa Pasko, sa bawat pagtitipong pang-sport, sa bawat social event, sa bawat book club. At ang isang mabilis na pamumuhay ay naghahatid sa atin na mangailangan ng higit pa. Mas maraming gas sa kotse, mas maraming pagkaing bibilhin sa labas, mas maraming internet access.

Walang masama sa isang buhay na buung-buo. Ngunit kailangan nating aminin, marahil bilang isang lipunan, na hindi natin nauunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng isang buong-buong buhay at isang napakakalulang buhay.

Lalo na sa mga panahon tulad ng Kapaskuhan, hinahayaan nating ang ating mga nakikitang pangangailangan ay makagambala sa atin sa kung ano ang mahalaga—ang mga bagay na nais ni Jesus para sa atin. Mga bagay tulad ng pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan. Komunidad, intensyonalidad, at espasyo para huminga

Maglaan ng ilang oras upang gumawa ng imbentaryo:

  • Ano sa iyong buhay ang maaari mong isipin na isang pangangailangan, ngunit nakakaabala lamang nang labis?
  • Ano sa iyong buhay ang maaaring makagambala sa iyo at sa iyong pamilya sa pagsamba kay Jesus sa panahong ito? 
  • Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang manatiling nakatutok kay Cristo sa susunod na apat na linggo?

Ang simpleng pamumuhay ay nagsisimula sa simpleng pagtutuon ng ating mga mata kay Jesus upang magkaroon tayo ng tamang relasyon sa lahat ng bagay sa ating buhay. 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Postures Of Advent: A Daily Christmas Devotional

Napakalaking kaibahan ng ating karanasan patungkol sa himala ng Adbiyento depende sa kung paano natin iniaayos ang ating mga sarili sa panahon ng Pasko. Magkaroon ng saloobing sumuko kay Jesus, muling tumutok sa Kanya, at yakapin ang biyaya ng ating Hari sa 4 na linggong pang-araw-araw na debosyonal na ito habang ikaw ay kumikilos sa limang magkakaibang postura: Nakapikit ang mga Mata, Nakatunghay, Nakaluhod, Nakabukas ang mga Kamay, at Nakabukas ang mga Braso.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion Canada sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: http://cmpsn.ca/YV