Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa
Tulad ng mga unang disipulo ni Jesus, tinawag ka sa isang kuwento na mas malaki kaysa sa iyong sarili. Ang iyong buhay ay pumipintig na may layunin. Nilikha ka para makilala at sundin Siya. Ang iyong puso ay nananabik para dito. At ang bawat isa sa atin, mga taong sumasamba at mga taong nag-aalinlangan, ay iniimbitahan na lumahok.
Tinawag Niya ang mga alagad na ang pananampalataya ay tila hindi natitinag. Tila lagi lang silang naniniwala, na humihimig ng Hillsong sa sinapupunan ng kanilang mga ina, at hindi na sila bumitiw mula noon. Ngunit tinatawag din Niya ang mga nag-aalinlangan. . . . Yaong mayroong hindi matitinag na naisin para sa ugnayan dahil hindi nila kayang sikmurain ang isang pananampalataya na hindi sa kanila.
Tinatanggap ni Jesus ang dalawa. Parehong tinawag. Parehong ipinadala. Parehong mahalaga sa rebolusyong nasimulan Niya.
At nasaan ka man sa iyong paglalakbay ng pananampalataya, ikaw ay tinatawag rin Niya.
Marahil ay malayo ka sa iyong tahanan, at hindi mo alam kung ano o kung maniniwala ka pa. O baka nalampasan mo na ang dekonstruksyon at ngayon ay ginagalugad mo ang lupain ng pag-aalinlangan, pagtahak sa pinakamahirap na tanong sa buhay. O kaya naman ay pauwi ka na. Ang iyong relasyon sa Diyos ay iba kaysa noon, ngunit ito ay mas mabuti kahit papaano. Mas malalim. Mas buhay.
Nasaan ka man, at anuman ang iniisip mo tungkol sa Diyos, ang walang katapusang posibilidad ay nasa harap mo. Ang unang naitala na mga salita ni Jesus sa Kanyang mga alagad ay, “Halika, sumunod kayo sa akin,” at ang Kanyang huling mga salita ay mahalaga rin. Patuloy na sumulong. Ituloy ang pagsasaliksik sa katotohanan.
Ang pinakamalaking panganib ay hindi ang pagkawala ng ating pananampalataya kundi ang pag-aayos natin sa isang pangkaraniwang salin nito. Araw-araw ay isang pagkakataon upang humiling, humanap, kumatok. Marami pang dapat tuklasin. Marami pang dapat matutunan. Napakaraming dapat unawain. Mayroong mga matarik na bundok na dapat akyatin, mga hamon na dapat mapagtagumpayan, mga tanawing dapat pagmasdan, kagandahang mararanasan. Isang Diyos na dapat makilala.
Ikaw ay nagsisimula pa lamang.
At kapag ang iyong puso ay natinag, kapag ang iyong mga tuhod ay nanlambot, at kapag ang iyong pananampalataya ay nabigo, alalahanin na mayroon ka ng pag-asang ito:
Si Jesus ang may huling salita.
Nais pang tumuklas ng mas malalim? Tingnan ang aklat ni Dominic na When Faith Fails para tumuklas ng higit pa tungkol sa pag-aalinglangan at pananampalataya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.
More