Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa

When Faith Fails: 10 Days Of Finding God In The Shadow Of Doubt

ARAW 4 NG 10

Hindi ko maiwasang isipin kung mali ba ang pagtingin natin sa Biblia. Marahil ay masyado tayong nahuhumaling sa kung paano niresolba ng isang sinaunang aklat ang lahat ng ating mga tanong sa kasaysayan, kultura, siyentipiko, at moral na hindi maiiwasan ang pag-aalinlangan. Ngunit paano kung ang pangunahing layunin nito ay hindi ang intelektwal na katiyakan kundi ang akayin tayo sa isang maunlad na kaugnayan sa Diyos?

Siguro kailangan nating mas makita ang Biblia sa pamamagitan ng modernong mga mata (Paano ito makatuwiran?) o huling modernong mga mata (Paano ito nagsasalita sa akin?). Siguro kailangan nating tanggapin kung ano ito: isang aklat na kakatwa, kakaiba, mahirap, mapanghamon, nagbibigay-inspirasyon, nag-aanyaya, nakagugulo sa pananaw, na ang bawat pahina, ang bawat kuwento, ay nagtatapos sa katauhan ni Jesus.

At kung totoo iyon, tulad ng anumang relasyon, nangangailangan ito ng panahon.

Kailangan natin ng tiyaga na malampasan ang sinauna, magaspang na panlabas nito upang matuklasan ang katotohanan.

At kailangan natin ng isang tonelada ng kababaang-loob upang muling gabayan ang ating pag-iisip kapag nangyari iyon.

Alinmang paraan, nakakahanap ako ng kapayapaan sa pagkakaalam na ang mga may-akda nito ay nag-alinlangan rin. Nakipaglaban din sila. Ngunit nagpatuloy sila sa paglalakad sa daan ng Emmaus, dahil naniwala sila na sa huli ay sulit ang lahat. Nagkaroon sila ng pag-asa na balang araw, kahit papaano, makikita nila ang kanilang Mesiyas.

At iyan ang dahilan kung bakit hindi lamang pinagkakatiwalaan ang Biblia, kundi isang bagay na dapat isabuhay. 

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

When Faith Fails: 10 Days Of Finding God In The Shadow Of Doubt

Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: http://bit.ly/2Pn4Z0a