Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa
Ang kuwento ng pakikipagbuno ni Jacob sa Diyos ay isang magandang paglalarawan kung ano ang katulad ng malalim na pananampalataya. Ang malalim na pananampalataya ay isang matalik, matiyaga, buong-buhay, pawisan, duguan, minsan ay nakakailang, at palaging totoong pakikipagtagpo sa Diyos. Ang pananampalataya ay hindi isang itinurong sulat; ito ay isang banig ng pakikipagbuno. Nangangahulugan ito na kinukuha ang lahat ng iyong mga takot, kasalanan, kawalan ng kapanatagan, pag-aalinlangan tungo sa pakikipag-usap sa Diyos. At oo, malamang na mabugbog ka at mawala ang iyong tapang. Ngunit mas mabuting makita ang tunay na kaguluhan ng buhay mo sa harapan ng Diyos kaysa maging isang pekeng relihiyoso.
Ang pananampalataya ay nangangahulugan ng pagbibigay ng lahat.
Kung gusto mo ng malalim na pananampalataya, hindi lang ang pananampalataya ng iyong mga magulang, kaibigan, o simbahan, kundi isang pananampalataya na nagbabago sa iyo at nagbibigay-buhay sa iyo, wala nang ibang paraan. . . . Sa Mga Taga-Galacia 6:16, sinabi ni Pablo na tayo ang “bayan ng Diyos.” Sa madaling salita, dahil ang ating espirituwal na pinagmulan ay puno ng mga taong nakipagbuno sa Diyos, kung gayon tayo ay tinawag na maging mga mambubuno din.
Ang tanging paraan upang ang Jacob na nasa atin ay maaaring maging Israel, ang tanging paraan upang lumago ang ating pananampalataya, ay kung dadalhin natin ang lahat ng kung sino tayo sa Diyos. Lahat. At kasama diyan ang ating mga pag-aalinlangan. Lalo na ang ating mga pagdududa. . . .
Ang pananampalataya ay namumuo habang lumilipas ito sa ligtas at tiyak tungo sa madilim, puno ng pag-aalinlangang mga lugar. Itinatanggi ng pananampalataya na maliitin ang iyong mga pangarap sa sukat ng iyong mga takot. Ang pananampalataya ay hindi nagtatago sa mga tanong ngunit masigasig na nakikipagtuos sa kanila. . . .
Ang Banal na Kasulatan ay hindi kuwento ng mga taong tamad na nagparaya sa pag-aalinlangan; ito ay tungkol sa mga taong walang awang nilabanan ang kanilang mga pagdududa. Sinubok sila para sa isang bagay na higit pa sa pabigla-bigla, walang kabuluhan, dalawang dimensyonal na pananampalataya. Sinabi ni Socrates, "Ang hindi napag-aralang buhay ay hindi makabuluhang pamumuhay." Iginiit ng mga may-akda at bayani ng Biblia na ang hindi pa nasusuring pananampalataya ay hindi nararapat paniwalaan.
Kaya nga, sa bawat kabanata, sa bawat talata, sila ay matapang, masigasig, at mapangahas na nakipagbuno sa kanilang Diyos. Ang kanilang magaspang na boses ay sumigaw, "Hindi ako bibitaw hangga't hindi mo ako pinagpapala!" Alam nilang magiging mahirap at masakit, ngunit sulit ang bawat segundo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.
More