Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa
Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga puwang. Siya ang Diyos ng lahat. Ang alam natin at kung ano ang hindi natin alam. Lahat ng ito ay Kanyang idinisenyo. Isulat ang lahat ng alam mo tungkol sa agham at magsama ng tandang pananong para sa lahat ng hindi mo alam. Pagkatapos ay gumuhit ng isang napakalaking bilog sa paligid ng lahat. Iyon ang Diyos. Ang sansinukob ay kumplikado, mahiwaga, at puno ng misteryo dahil ginawa Niya ito sa ganoong paraan. At pagkatapos ay ibinigay Niya ito sa atin.
Sa iyo ang lahat ng bagay.
Ang Diyos ay nasa loob, nasa paligid, sa itaas, sa ibaba, at higit pa sa agham. Ang isang siyentipikong pagtuklas ay hindi nagpapawalang-bisa sa pag-iral ng Diyos kung paanong ang kaalaman kung paano gumagana ang isang iPhone ay hindi nagwawalang-kabuluhan sa pag-iral ni Tim Cook. . . .
Ito ay napakahalaga. Hindi ipinaliliwanag ng siyensya ang Diyos. Ipinapakita lang nito sa atin kung gaano Siya ka-malikhain at kaganda.
Ngunit paano kung tila may malinaw na salungatan sa pagitan ng Salita ng Diyos at ng sanlibutan ng Diyos?
Tingnan nang mas malapit. Mag-imbestiga pa. Magsaliksik. Magsiyasat. Maghintay. Mag-aral. Magbasa. Magtanong. Maging bukas sa ideya na ang iyong pagsusuri sa Banal na Kasulatan (o agham) ay mali. Huwag mong talikuran ang iyong pananampalataya. Huwag isuko ang pinakamamahal mo para sa mga bagay na hindi mo alam. Yakapin ang hiwaga ng hindi nalalaman. Umupo sa tensyon. Maging payapa sa misteryo.
Sapagkat, sino ang nakakaalam, ang misteryo ay maaaring malutas balang-araw, at matutuklasan mo, marahil ay walang salungatan pagkatapos ng lahat.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.
More