Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa

When Faith Fails: 10 Days Of Finding God In The Shadow Of Doubt

ARAW 7 NG 10

Sa Exodo, nang sabihin ng Diyos kay Moises na tanggalin ang kanyang sandalyas, ito ay dahil nakatayo siya sa banal na lupa. Tiyak na ikinagulat niya iyon! Alam na alam niya ang lugar na iyon ng disyerto. Apatnapung taon na niyang nilakad ito bilang pastol. Para kay Moises, doon siya nagtrabaho. Sa isip niya ay karaniwan lamang ito, maalikabok, marumi, niyurakan ng tupa ang lupa. Ngunit sinabi ng Diyos na ito ay banal.

Paano kung ang lupang kinalalagyan mo ngayon ay babad sa kabanalan? Paano kung ang bawat detalye ng iyong buhay ay natatakpan ng anino ng Diyos? Paano kung ang mismong kapaligiran mo ay napaliligiran ng Kanyang tinig?

Nangungusap ang Diyos. Maaaring hindi ito sa paraang iyong inaasahan.

• Nagsasalita Siya sa pamamagitan ng ibang tao. Kahit ang mga nang-iinis sa iyo.

• Nagsasalita Siya sa pamamagitan ng sining: magagandang aklat, musika, tula, mga awitin, at larawan.

• Nakakapagsalita Siya sa pamamagitan ng panaginip. . . .

• Nagsasalita Siya sa pamamagitan ng mga nilikha, habang nilalanghap natin ang kagandahan ng Kanyang ginawa.

• Nagsasalita Siya sa pamamagitan ng pananalig at ang matinding pakiramdam na mayroong mali. (Minsan ang usapin ay hindi ang katahimikan ng Diyos kundi ang nakakabinging tunog ng kasalanan. Gusto ng kasalanan na maging pinakamalakas na boses sa ating buhay. Huwag hayaang mangyari ito.)

• Nagsasalita Siya sa pamamagitan ng ating mga sakit.

• Nagsasalita Siya sa ating kawalan.

• Nagsasalita siya maging sa ating mga pag-aalinlangan.

Kung umiiral ang Diyos, walang maituturing na ordinaryong lupa. Lahat ng ito ay banal. Ang sandaling ito, ngayon, nasaan ka man, ay banal. Inaanyayahan ka ng Diyos na hubarin ang iyong mga sandalyas at ilubog ang iyong mga daliri sa paa at sumamba.

Nandito Siya.

Ang mga bakas ng daliri ng Diyos ay nasa buong buhay mo. 

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

When Faith Fails: 10 Days Of Finding God In The Shadow Of Doubt

Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: http://bit.ly/2Pn4Z0a