Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa
Dahil tayo ay namumuhay sa mundong puno ng limitasyon, tayo ay nag-aalinlangan.
Dahil hindi natin alam lahat ng mga sagot, ang mga tanong ay natural na lumalabas:
Ano kaya ang ugali ng Diyos? Paano ko Siya makikilala? Ano ang layunin ng buhay? Saan ako dapat pumunta?
Isang hindi kilalang ika-14 na siglong mistiko ang nagsabi noon na nakikita natin ang ating mga sarili sa isang “ulap ng walang kaalaman.” Dahil dito tayo ay nag-aalinlangan. Hindi natin laging nakikita ang langit.
Subalit, ang dapat nating ipaalala sa ating mga sarili ay, ang lahat ng ito ay bahagi ng disenyo ng Diyos. Sinadya Niyang gawin ang mga bagay na ganito. Nilagyan Niya ng mga limitasyon ang sistema. Hindi ito aksidente. Alam Niyang tayo ay mamumuhay nang maraming hindi nalalaman. Ngunit pinili pa rin Niyang maging ganito ang kuwento ng tao. . . . Nang nagdesisyon ang Diyos na lumikha, maaari sana Siyang sumagot ng oo sa isang libong ibang mga posibilidad. Ngunit hindi Niya ginawa. Pinili Niya ang mundong ito. Pinili Niya ikaw. Pinili Niya ako. Kasali na ang lahat ng mga limitasyong ito. At gayunpaman, tinawag Niya itong “mabuti.”
Ibig sabihin nito ay normal lang ang mag-alinlangan.
Ito ay isang natural na kahihinatnan sa pamumuhay sa mundong ito.
Ikaw ay nag-aalinlangan hindi dahil ikaw ay isang kakila-kilabot na tao o dahil ikaw ay hindi gaanong espiritwal tulad ng iba pang mga tao. Ikaw ay nag-aalinlangan dahil ikaw ay tao.
Ito ay importante, dahil napakaraming mga Cristiano ang tumitingin sa pag-aalinlangan bilang isang hindi masabi at nakakadiring kasalanan. . . .
Hindi ginawa ng Diyos sina Adan at Eva na alam lahat ng mga kasagutan sa mga mahihirap na tanong sa buhay. Sa halip, binigyan Niya sila ng puwang para sila ay gumalugad, magtanong, at matuto. Siya ay naglinang ng isang hardin kung saan ang misteryo at pananampalataya ay sama-samang umiiral. Ibig sabihin nito ay kung tayo ay nag-aalinlangan, hindi ito dahil tayo ay isang kabiguan sa Diyos; ito ay dahil ang pag-aalinlangan ay isang natural na tugon sa mga limitasyon ng ating kaalaman. . . .
Ang pananampalataya ay hindi tungkol sa pagkontrol, ito ay tungkol sa posibilidad. Ang pananampalataya ay balat-sa-balat na pagkakalapit, pagkakaugnay, at relasyon. Ngunit para marating ito, minsan ang ating mga katiyakan ay dapat mabasag. Ang ating mga pormula ay magambala. Ang mga tanong natin ay hindi masagot. At dito, sa kalaliman ng ating relasyon, dito natin makakatagpo hindi ang mga listahan ng mga relihiyosong pangungusap, kundi ang isang Katauhan. Ang pagkakaibigan ay isinilang.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.
More