Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa

When Faith Fails: 10 Days Of Finding God In The Shadow Of Doubt

ARAW 2 NG 10

Paano kung mali ako?

Itinuturing ng ilan ang tanong na iyon bilang pag-atake sa pananampalataya. Ngunit paano kung ang sandaling ito ang pinakamalaking pagkakataon ng pananampalataya? Siguro kailangan tayo ay masubok para ang ating mga opinyon at paniniwala ay masuri at mabago. Marahil ang mga panggigipit na nararamdaman natin bilang mga tagasunod ni Jesus ay naglilinang ng biyaya para sa mga nakikipaglaban na maniwala, at lumilikha ng puwang para sa isang higit na masigla, ayon sa kultura na uri ng pananampalataya upang lumago. 

Sa kasaysayan, natagpuan ng bayan ng Diyos ang kanilang tinig sa pagkatapon. Sa ganitong paraan kung paano naisulat ang karamihan sa Biblia. Ito ay kung paano nagsimula ang mga rebolusyon. Ang pagkakakilanlan ay ipinanganak sa paghihirap ng pagbubukod. At kapag natuklasan ang pagkakakilanlan, ang pagiging natatangi, pagiging iba, at kagandahan ng kontra-salaysay nito ay magbabalik sa isang hindi naniniwalang mundo sa sarili nito.

Kung totoo iyan, nangangahulugan ito na hindi natin kailangang matakot kapag ang mundo ay nagbabato ng pag-aalinlangan sa ating mukha. Walang dapat ikatakot. At walang dapat ipangamba kapag nakatagpo tayo ng anumang uri ng pag-aalinlangan, o mula sa anumang bagay o pinagmulan. Maging ito man ay ang mga panggigipit ng kultura, ang kalunos-lunos na mga pangyayari sa buhay, mga pagbabago-bago ng damdamin, ang lumalaking pasakit ng espirituwal na pagbabago, o ang ilang nakatagong panloob na pagkabalisa, kapag ang pag-aalinlangan ay humadlang sa iyong paglalakbay, kailangan mong pahalagahan ang kakayahan nito na isulong ka sa paraang hindi pa nagagawa noon.

Ang pag-aalinlangan ay hindi ang katapusan ng kuwento; ito ay ang pananabik na nakapaloob dito. Ang pag-aalinlangan ay ang hindi inaasahang misteryo; isang hindi nalutas at nananatiling tanong. Ang pag-aalinlangan ay kapag nakaupo ka sa gilid ng iyong upuan, may popcorn na nasa loob ng iyong bibig ngunit hindi nangunguya, mahigpit na nakahawak sa braso ng iyong katabi, habang hindi mo maialis ang iyong mga mata sa screen kahit na gusto mo.

Pinipilit ka ng pagdududa na suriing muli ang kuwento ng iyong buhay. Ano ang iyong mga pinahahalagahan? Ano ba talaga ang iyong pinaniniwalaan? Anong direksyon ang nais mong tahakin? Tulad ng tubig sa pagitan ng dalawang baybayin, ang pag-aalinlangan ay lumilikha ng puwang para sa magkaibang mga resulta. Maaari kang lumangoy patungo sa Diyos o palayo. Maaari kang umabot sa paniniwala o hindi paniniwala. Nasa iyo ang pagpipilian. Ang pag-aalinlangan ay walang kinikilingan; kung ano ang gagawin mo dito ang siyang mahalaga. 

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

When Faith Fails: 10 Days Of Finding God In The Shadow Of Doubt

Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: http://bit.ly/2Pn4Z0a