Kapag ang Pananampalataya ay Nabigo: 10 Araw ng Paghahanap sa Diyos sa Anino Ng Pag-aalinglanganHalimbawa
Kung ang tahanan ay ang buhay ng pananampalataya, kung gayon ang pag-aalinlangan ang daan na dapat nating lakaran upang makarating doon. Siyempre, mayroong mga hamon sa landas: mga panganib, kalungkutan, galit, takot, mga katanungan. Ang salitang question ay nagmula sa Latin na quaerere, kung saan nakuha natin ang salitang quest. Ang isang quest o pakikipagsapalaran, tulad ng anumang pakikipagsapalaran, ay mayroong mga hadlang. Ang bawat pagkatawag ay may halaga. Nakakapagod akyatin ang mga bundok. Ang mga lambak ay mahirap tiisin. Para sa karamihan ng mga tao, iyon ang tulad ng pag-uwi sa tahanan. Ang iba na kilala ko (at kinaiinggitan) ay mas madali rito ang naranasan. Ang paglalakbay pauwi ay isang apat na linyang kalsada; sumakay ka sa kotse at nakarating ka na. Ang ilan, tulad ko, ay nasa magandang ruta.
Ngunit sa alinmang paraan, papunta na tayo doon.
At sa alinmang paraan, hindi tayo nag-iisa. . . .
Tayo ay nalilito at nag-iisa, nag-uunat nagkukumahog sa guho sa paghahanap ng layunin. Binigyan tayo ng dalawang sulat. Sabi ng isa, ito'y walang kahulugan. Aksidente ang lahat. Nangyayari ang mga bagay. At oo nga pala, aksidente ka rin.
Ngunit binigyan tayo ni Jesus ng isa pang sulat. Sinabi Niya na ang buhay ay may kahulugan. At lahat ng tungkol sa kung sino ka, ang hininga sa iyong mga baga, ang tibok ng puso sa iyong dibdib, ang iyong mga luha, takot, at mga pangarap, ay mahalaga. Ipinangako Niya na ang katarungan ay maghahari, ang awa ay magtatagumpay, ano man ang nasira ay muling itatayo; at inaanyayahan Niya tayong sumama sa Kanya sa abot ng ating makakaya.
Sinasabi ng ilan na ito ay walang iba kundi isang pantasya. At, sino ang nakakaalam, marahil sila ay tama. Siguro tayo ay ang mga baliw, mga nalinlang. Ngunit mas gugustuhin kong mamuhay nang may pag-asa, naghahanap para sa napakagandang Diyos, kaysa sa sakit at kahungkagan ng mundong walang diyos.
Naniniwala ako na may higit pa sa pagkabuhay kaysa sa isang bulag at walang awang pagwawalang-bahala.
Naniniwala ako sa isang Diyos na lumikha sa atin, nagmamahal sa atin, nagbigay ng Kanyang sarili para sa atin, at walang humpay inilalapit tayo, hindi nagbabago, nang buong pagmamahal, sa Kanyang sarili.
Ako ay naniniwala na ang buhay ay may layunin.
Naniniwala ako na wala sa kamatayan ang huling salita.
Naniniwala ako sa tunay na katotohanan at. . . ito ay punung-puno ng buhay, kagandahan, kulay, at kalaliman.
Naniniwala ako na ang pag-aalinlangan ay bahagi ng pagiging tao. Iniuunat tayo nito, sinasaktan tayo, ngunit pagkatapos—kung hahayaan natin—ay magdadala sa atin sa mas malalim na pananampalataya.
Naniniwala ako na kahit magdilim ang araw, ito ay babalik muli. Lilipas ang paglalaho. Maaaring iba ang hitsura ng mundo, ngunit gayon din tayo.
At naniniwala akong mayroong higit pa sa atin kaysa sa bagay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pakikipagbuno sa pananampalataya at pag-aalinlangan ay maaaring maging lubhang malungkot at nakapaghihiwalay. Ang ilan ay nagdurusa sa katahimikan habang ang iba ay lubusang tumitiwalag sa paniniwala, sa pag-aakalang ang pagdududa ay hindi tugma sa pananampalataya. Naniniwala si Dominic Done na ito ay parehong kalunus-lunos at malalim na pagkakamali. Gumagamit siya ng Banal na Kasulatan at literatura para ipangatuwiran na hindi lamang normal ang pagtatanong kundi kadalasan ito ay isang landas patungo sa isang mayaman at masiglang pananampalataya. Tuklasin ang pananampalataya at pagdududa sa 10-araw na gabay na ito.
More