Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 15 NG 15

Hindi katulad ng pag-ibig ng tao, na madalas ay pabago-bago at pansamantala, ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kailanman nabibigo, anuman ang mangyari.

Gustung-gusto ko ang Mga Awit 136. Gustung-gusto ko ang lahat ng Mga Awit, ngunit ang Mga Awit 136 ay nagpapahanga sa akin sa tuwing ito ay babasahin ko. Gusto ko ang mga pag-uulit na ginawa sa awit na ito na ginawa itong namumukod-tangi sa iba. Gusto ko ang katotohanang ang Mga Awit 136 ay isang awit ng kasaysayan na, dahil sa koro nito, ay naging isang tula ng pag-ibig. Gustung-gusto ko na pinagtibay nito nang paulit-ulit ang tunay ngang kinakailangan nating marinig nang paulit-ulit—hindi lamang isa o dalawang beses, kundi dalawampu't anim na beses! Ngayon, naniniwala akong sa tuwing ang Diyos ay nagsasalita, ikaw at ako ay kailangang may kapakumbabaang tumahimik at makinig, ngunit iniisip ko ring kailangan nating bigyan ng matinding pansin ang mga lugar na pinipili ng Diyos na ulitin ang Kanyang sarili, at lalo na ang mga lugar kung saan inulit Niya ang sarili Niya nang maraming beses! 

Bakit inuulit ng Diyos, nang paulit-ulit sa pamamagitan ng panulat ng salmista ang, "pag-ibig Niya'y tunay, laging tapat kailanman"? May dalawang sagot sa katanungang ito. 

Una, wala nang katotohanang mas hihigit pa at saligan ayon sa biblikal na pananaw at sa personal na pagkakakilanlan kaysa rito. Ano ang kasaysayang biblikal na sinasabi rito? Ito ang kasaysayan ng isang Diyos ng pag-ibig na naparito sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang Anak ng pag-ibig upang itatag ang Kanyang kaharian ng pag-ibig sa pamamagitan ng isang radikal na sakripisyo ng pag-ibig, upang tayo ay patawarin at isama tayo sa Kanyang pamilya ng pag-ibig, at ipadala tayo bilang mga kinatawan ng pag-ibig na ito. Ang buong pag-asa ng makasalanang sangkatauhan ay nakasalalay sa isang bagay na ito—na may isang Tagapagligtas na walang hanggan ang katatagan ng Kanyang pagtubos, pagpapatawad, pakikipagkasundo, pagbabago, at pagdadala ng pag-ibig. Kung wala ito, ang Biblia ay isang aklat lamang ng mga kawili-wiling kuwento at mga nakakatulong na prinsipyo, ngunit walang kapangyarihan upang ayusin kung anong nasira ng kasalanan. 

Ang ikalawang dahilan kung bakit inuulit ng Diyos ang korong ito ay dahil wala tayong karanasan sa ating buhay ng ganitong uri ng pag-ibig. Sa tuwina ay nagsisimula mong maunawaan ang kahit anong bagay na bago sa iyo mula sa punto de bista ng iyong sariling karanasan. Lahat ng makataong pag-ibig na ating naranasan ay may kapintasan sa ilang bahagi nito. Ngunit hindi ang sa Diyos; ang Kanyang pag-ibig ay perpekto at ganap na matatag habambuhay. Ito ang nag-iisang pinakakahanga-hangang katotohanan sa buhay ng isang mananampalataya. Inilagay ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin at hindi na Niya kailanman babawiin ito. May dahilan upang magpatuloy, gaano man tila maging mahirap ang buhay at gaano man kahina ang pakiramdam mo. 

Magkaroon ng higit pang kaalaman  tungkol sa New Morning Mercies: A Daily Gospel Devotional ni Paul David Tripp.

Banal na Kasulatan

Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/