Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa
Ang DNA ng kagalakan ay pagpapasalamat. Napansin mo bang ang mga taong nagrereklamo at may damdamin ng pagkakaroon ng karapatan ay hindi nagiging masaya?
Sana ay dala-dala ko ito lagi.
Sana ay lagi nitong nahuhubog ang paraan ng pagtingin ko sa buhay.
Sana ay giniyahan nito ang aking mga nais.
Sana ay ito ang likas na inklinasyon
ng aking puso.
Sana ang pag-alala ko
ng Iyong walang hanggang biyaya
ang magpatahimik sa aking pagmamaktol.
Sana ang aking
pagsamba sa Iyo,
ang aking pagtitiwala sa Iyo,
ang aking paghimlay sa Iyo
ay siyang magtaboy
sa lahat ng pagrereklamo.
Kung ang aking puso ay
magiging malaya sa
pagmamaktol
at mapaghaharian ng
pasasalamat,
kailangan ko ng Iyong biyaya:
biyaya upang maalala,
biyaya upang makita,
biyaya upang magkaroon
ng isang pusong may mapagpakumbabang kagalakan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.
More