Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Mga Bagong AwaHalimbawa

New Year, New Mercies

ARAW 11 NG 15

Kung ikaw ay napalaya na sa pangangailangan ng tagumpay at pagbubunyi upang maging maganda ang pakiramdam mo sa iyong sarili, alam mong nasa iyo na ang biyaya.

Ito ay isang matinding pagsisikap ng tao. Ito ay isang pakikipagsapalarang sinisikap nating matamo. Lahat tayo ay nagnanais ng magandang pakiramdam sa ating sarili. Lahat tayo ay gustong isipin na ang lahat ay maayos sa atin. Ito ay isang nakakatakot at nakakabalisang paghahanap na tanging ang biyaya lamang ang makapagbibigay ng kalayaan sa iyo. 

Ito ang nangyayari sa ating lahat—naghahanap tayo sa pahalang na pamamaraan para sa ating personal na kapahingahan na matatagpuan natin nang pataas, at hindi ito kailanman gumagana. Ang paghahanap sa ibang tao upang tayo ay magkaroon ng magandang pakiramdam sa ating kaloob-looban ay walang kabuluhan. Unang-una, hindi ka kailanman magiging sapat, laging sapat, upang makuha mo sa tuwina ang papuri mula sa ibang tao na iyong hinahanap. Magkakamali ka. Mabibigo ka. Magkakaroon ka ng araw na hindi maganda. Maliligaw ka. Sa isang punto may masasabi ka o magagawa kang hindi mo dapat sinabi o ginawa. Idagdag mo pa rito ang katotohanang hindi naman interesado ang mga taong nasa paligid mo upang maging personal mong mesiyas. Hindi nila gugustuhing mabuhay na hawak sa kanilang mga kamay ang katungkulan ng pagkakaroon mo ng pagkakakilanlan. Ang paghahanap mo sa ibang tao para sa iyong sariling kahalagahan ay hindi kailanman uubra. 

Ang kapayapaang ibinibigay ng tagumpay ay hindi rin maaasahan. Dahil hindi ka perpekto, anumang tagumpay na makukuha mo ay maaaring masundan ng isang uri ng pagkabigo. At nariyan din ang katotohanan na ang ingay ng tagumpay ay panandalian lamang. Hindi magtatagal at maghahanap ka na uli ng susunod na tagumpay upang ikaw ay makapagpatuloy. Kaya nga napakahalaga ng katotohanang si Jesus ay Siyang naging katuwiran mo. Ang Kanyang biyaya ay habambuhay na nagpalaya sa atin mula sa pangangailangang patunayan ang ating katuwiran at ang ating kahalagahan. Kaya pinaaalalahanan natin ang mga sarili natin na huwag hanapin sa pahalang na pamamaraan ang naibigay na sa atin sa pataas na pamamaraan. "Ang bunga ng katuwiran ay kapayapaan; at ito'y magdudulot ng katahimikan at pagtitiwala magpakailanman" (Isa. 32:17). Ang katuwirang iyon ay tanging kay Cristo lamang matatagpuan. 

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, New Mercies

Sa loob ng 15 araw, paaalalahanan ka ni Paul David Tripp ng mga pagpapala ng Diyos sa iyo - katotohanan na hindi naluluma. Kung ang "pagbabago ng pag-uugali" o ang mga salitang maganda sa pakiramdam ay hindi sapat upang ikaw ay magbago, matutong magtiwala sa kabutihan ng Diyos, manalig sa Kanyang pagpapala, at mabuhay sa Kanyang kaluwalhatian araw-araw.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/books/new-morning-mercies-hcj/